Kabanata 28
A d r i e l
Nang masira ang cellphone ko, mas dumalang ang pag-uusap namin. Akala ko makakapag-usap pa rin kaming tuwing weekends pero hindi ko siya madalas maabutang online.
Nang mabasa ko ang text niya sa akin na huwag na akong maghintay sa kanya ay hindi na ako nakapag-reply dahil kinuha ni Mama ang cellphone niya.
Ang sabi niya ay lilipat na siya ng school.
Hindi iyon mawala sa isip ko. Marami akong dahilan na naisip sa ilang linggo kong pag-iisip doon. Dahil ba nasira ang cellphone ko? Dahil hindi na kami madalas mag-usap?
Narinig ko sa ilang kakilala na may nagkaka-crush sa kanya sa section nila nung first year. Baka nagkagusto na siya roon? Ayokong mag-isip ng masama tungkol sa kanya pero hindi ko maintindihan. Bago niya sabihin iyon ayos naman ang pag-uusap namin. Binasa ko pa ng paulit-ulit ang mga chats namin pero wala naman akong nakikitang nag-iba siya.
Anong mali sa akin? May mali ba akong chinat? May hindi ba siya nagustuhan sa akin? Dahil ba maliit ako at matangkad siya?
Kung totoong lilipat nga siya ng school, bakit siya lilipat? Bakit biglaan? Anong dahilan? Bakit hindi naman niya sinabi sa akin iyon sa chat? Bakit ayaw na niyang hintayin ko siya? Hindi na ba siya babalik?
Alam ko torpe ako. Siya ang unang babaeng minahal ko. Hindi ko alam kung paano ang manligaw, at paano kumilos sa harap ng babaeng gusto ko. Madalas nahihiya ako sa kanya o talagang kinakabahan ako kapag nandyan siya. Sa kanya lang ako ganoon. Alam ko na sa kanya lang dahil ang mga kaibigan ko ay halong babae at lalaki.
Gusto ko siyang kausapin. Ilang linggo pa bago ako nagkalakas ng loob. Gusto akong samahan ng mga kaibigan ko para makita rin nila si Lily, ayos din iyon dahil kapag kasama ko sila ay nababawasan ang kaba ko.
Umakyat kami sa at tumigil sa tapat ng hagdan na katabi lang ng classroom nila sa 2nd floor ng BF Building pero hindi niya ako nilabas. Ang sabi ni Ronnie ay may hinahapit daw na assignment.
Kaya bumalik ako kinabukasan. Sa totoo lang ay napahiya ako...sa mga kaibigan ko at siguro sa sarili ko na rin. Wala na siguro talaga. Ayaw na niya siguro. Nakakapagod siyang hintayin kung ganon.
Kung ayaw na niya ay ayoko na siyang pilitin. Ayoko na ipilit ang sarili ko.
Pinasabi ko kay Ronnie na pagod na akong maghintay.
May mga panahon din na umaasa ako na magchat ulit siya pero hindi naman dumating. Kahit pagbati sa birthday ko ay hindi niya man lang ginawa.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o magagalit nang makita ko siya sa SEHS nang mag-3rd year kami.
Ang sabi niya ay lilipat siya ng school. Ibig sabihin, hindi iyon totoo. Gusto niya lang akong bitawan non. Paasa siya! Dalawang taon akong naghintay para sa kanya pero binitawan niya na lang ako ng basta.
Sinayang ko ang dalawang taon ng buhay ko para sa kanya. Sa kaibuturan ng puso ko ay nagtanim ako ng galit sa kanya.
May mga kaklase si Lily nung 2nd year na kaklase ko na ngayon pati ang may crush sa kanya noon. Ilan sa kanila ang nagsasabi sa akin na may crush sa akin si Rose.
May mga nagkacrush din sa akin nung Grade 6 pero hindi ko pinansin dahil si Lily ang gusto ko. Baka dapat sumugal na ako sa sigurado para hindi na ako umasa sa wala.
Kaya nang finallow ako ni Rose sa Twitter ay nakipag-usap na ako sa kanya.
Ilang beses dumadaan sa isip ko kung nalaman ba ni Lily iyon. Nakarating ba sa kanya. Kung nakarating sa kanya ay bakit hindi niya ako chinat? Nakamove-on na ba talaga siya?
BINABASA MO ANG
lilies.
Teen FictionCatlyn Lily Acosta made a promise when she was 13 years old. She will make Ian Adriel Santos her boyfriend when she's already 21. Thinking 8 years is a short time, she committed. An unexpected event makes her reluctant to believe in love. Their lov...