29

31 2 0
                                    

Kabanata 29

S k y l e r  R a i  T a ñ a d a

Sikat at maimpluwensya ang pamilya namin sa Saria. Siguro minsan ang mga tingin nila sa akin ay may halong paghanga, takot, at inggit.

Paghanga at inggit dahil sa isa kami sa pinakamayamang pamilya sa lalawigan.

Takot dahil sa ginawa ni Lolo Enteng ko sa pamilya ng Gala at Castillo na kilala ring maimpluwensya at mayaman ngunit napabagsak niya. Ginawa iyon ni Lolo dahil sa magpapakamatay ni Tita Zeph matapos ang broken engagement sa isang Castillo at malaman na ang pinalit ay isang Gala.

Halos mawalan ng ari-arian ang mga Castillo at napilitang mangimbambansa ang pamilya Gala.

Wala pa ako sa mundo non ngunit tatak na iyon sa mga tao hanggang ngayon sa tuwing nakikita nila ang aming pamilya.

Wala naman sa akin iyon. Kaya nang maging kaklase ko si Kendall Gala nitong Grade 5 ay naging magkaibigan kami.

Hindi bago sa akin ang makarinig na crush nila ako. Asaran, tilian, at pagtawag sa pangalan ko ang nangyayari tuwing dumadaan ako.

Wala naman akong gusto sa kahit isa sa kanila pero minsan sinasakyan ko ang trip nila. Kinakausap ko ang may crush sa akin at magtitilian sila matapos.

Napapangisi ako. I know my effect on girls. I can say that I am pretty confident around girls. Not until I met her.

She has jet black long hair, really fair white, long lashes, heart-shaped lips and her eyes are as beautiful as the stars.

I first saw her outside the office of Dra. Acosta, our family friend and doctor.

I never liked someone before. That's why when Kendall said that she fell in love with someone at first sight, I never believed her.

How can you fall in love with someone you barely know?

Pero...kinain ko ang pananaw ko. Because that is exactly what I felt with Lily. Love at first sight.

Kasama ko ang bunsong kapatid ko na si Fei Audrey Tañada nang una ko siyang makita at may naisip akong plano.

"See that girl? Tell her you're lost and you can't find your brother's room."

"Why would I do that?" Mataray niyang tanong.

"I will give you chocolates," I bargained. Her face lit up. Ayaw na kasi siyang bigyan ni Mom dahil bungi na siya.

"How many? This big?" She gestured her both hands to a circle.

"Yeah, yeah, that many. Now go, I'll go back to my room. If she doesn't help you, you know how to go back, okay? We've been here a hundred times."

"Yeah, yeah, but how can I be sure that you will give me chocolates?"

"Sumbong mo ko kay Mommy kapag hindi ko binigay."

Iniwan ko na siya roon at bumalik sa taas.

I paced back and forth. What took Fei so long? Hindi kaya siya sinamahan nung babae?

Nang bumukas ang pinto ay natameme ako. Nakatitig lang ako sa mukha niya. Nag-iinit ang pisngi ko. Ito ang unang beses na hindi ko alam ang gagawin sa harap ng babae. I am always confident. Kaya bakit ganito? Sa pagtagal ng oras ay mas lalong umaakyat ang kaba sa dibdib ko.

Parang may malaking bato sa aking lalamunan na pumipigil sa aking magsalita.

"Kuya?" Hinawakan ni Fei ang hospital gown ko. "I'm here already, Where's my chocolates? You said, 'You'll give me chocolate if I tell her I'm lost.'"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ng kapatid. Natataranta na ako! Nakakahiya. Nabuko ako. Lokong Fei.

Huli na para takpan ang bibig ni Fei kaya tumakbo na lang ako pabalik sa kama ko. Tumama pa ang tuhod ko sa bakal.

"Aw."

Tiniis ko at humiga matapos magtalukbong ng kumot ay namilipit ako sa sakit.

I never felt so nervous and this embarrassed my whole life. Confident around a girl, my ass. I wasted my chance. I didn't even get her name.

Narinig kong nagsara ang pinto. Hindi ako agad sumilip dahil narinig ko ulit ang pagbukas nito.

"Rai, how are you?"

Napabuntong hininga ako ng marinig si Mom. Naupo siya sa kama ko dahil medyo lumubog iyon.

"Still unwell?"

Agad kong inalis ang kumot, "It's Skyler, Mom!"

Parati niya kasi akong tinatawag na Rai, eh ang pangit non. Mas gusto ko ang Skyler, cool at nakakagwapo.

Dumaan sa gilid ng paningin ko si Dra. Acosta at iyong babae! Agad akong nag-iwas ng tingin. Nakita niya ba na nagalit ako kay Mom? Malamang.

"Skyler's too long, anak. I prefer calling you Rai."

Mahina akong sumagot, "Ang pangit ng Rai, mom. Skyler's two syllable only. It's not long."

"Oh, I almost forgot," Mom clasped her hands, "You already met Tita Catherine, right? This is her daughter," Pinalapit niya ang babae.

"What's your name, hija?"

"Catlyn Lily Acosta po," She answered.

Ang hinhin ng boses niya. Even her actions are prim and proper. I should memorize her name.

Ilang beses kong inulit ang buong pangalan niya sa isip ko para hindi ko makalimutan.

"Introduce yourself, Rai."

Nahihiya ako kaya hindi ko rin magawang tumingin sa kanya. Mabilisan kong sinabi ang buong pangalan ko. "Skyler Rai Tanada."

Nakakahiya si Mom dahil bigla niyang tinanong si Lily kung anong ang mas gusto niya kung Skyler ba o Rai.

Gusto kong lamunin ng lupa ngayon din. Wala nang mas nakakahiya pa rito sa tanang buhay ko.

"Rai is better po. Short and easy to remember," She answered, "Unique, too. Siya lang po ang kilala kong Rai."

Hearing her saying "Rai", I never thought that it would sound so good too.

lilies.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon