03

74 3 0
                                    

Kabanata 3

Talo ako sa pageant pati si Gab at Anne. Si Elias ang nanalo at yung taga Marikina Elementary School. Wala na akong masyadong maalala tungkol don. What I only remembered is that I messed up really bad.

After that pageant, I feel like my popularity soared. Hindi naman ako kinakausap ng taga ibang section dati pero kinakausap na ako. I'm not as famous as Elias though.

We rarely talked during practice and it continues up to now.

The only good thing from that competition is that all the activities we missed, we're exempted. Meaning I don't have to sweat, and still I get the perfect score in which I know rarely happens. Hindi naman ako matalino.

"Ayos," Ngiting-ngiti si Gab nang sabihin 'yon ni Ma'am Galvez, teacher namin sa Filipino. Nakipag-high five ako sa kanya kasi kawawa naman.

Even though Elias and I don't talk, I still notice him. He's kind of the errand boy of Ma'am Mateo, their adviser, so even on school hours, I sometimes see them walking on the corridors with Adriel. Honestly, I notice him because of Adriel.

May isa kaming subject na magbabayad kami ng 10 pesos para manuod ng movie sa auditorium. May bago kasi silang bili na projector.

May kasama kaming ibang section. Nauna kaming pumasok kasi mas malapit kami sa auditorium, katabi lang. Sumunod na pumasok ang Section 2, section ni Adriel. As expected, he and Elias are together.

"Uy crush mo," Dana told Zoe. I kind of heard her teasing Zoe before. Crush daw ni Zoe si Elias. Dati, crush ni Zoe si Gab, ngayon bago na? Buti naman. Ang panget naman ni Gab para kay Zoe. Maganda siya at matalino. Pareho sila ni Dana, kaya bakit deserve ni Gab na maging crush ni Zoe?

"Bago na crush mo? Kailan lang?" Bulong ko rin.

"Hindi ko crush 'yan. Pauso lang si Dana."

Tumawa naman si Dana at sinundot ang tagiliran ni Zoe. I laughed. May isa pang pumasok na section. Oh, section 3. May ilan akong nakilala sa mukha. May ilan din kasing pumapansin sa akin doon matapos sa pageant.

Free seating naman sa auditorium kaya nasa likod ko si Gab pati si Jerome at Dylan. Si Jerome, may crush sa akin nung grade 4. Maputi at mataba ang pisngi gaya ko. Si Dylan, lagi akong inaasar simula bata kami. Lagi niya rin binabati si Yaya Sita nung sinusundo pa niya ako. Mataba siya at sobrang kulit kahit ngayon.

Pinagtitripan nila akong kalabitin. Hindi ko lang sila pinapansin kaya sina Zoe at iba pang kaklase ang pinagtripan.

Maingay na sa auditorium. Nag-eecho pa kanina ang boses namin, ngayon hindi na sa dami namin sa loob.

"Lily, lily," May tumatawag sa akin sa likod pero hindi ko pinapansin. Hindi ko kilala ang boses kaya ayoko.

Sina Zoe at Dana ang lumingon, ako hindi.

"Crush ka raw ni Brent," sigaw ulit tapos may hiyawan sa likod.

Yumuko ako lalo sa hiya. Tumawa sina Dana at inakbayan ako. Napapagitnaan kasi ako ng dalawa.

"Haba ng hair," hagod ni Gab sa buhok ko. Nang di ko pansinin ang asar niya, kiniliti niya ang tagiliran ko.

Hinuli ko ang kamay ni Gab at nilingon siya. Hinampas ko ang kamay niya. Napansin agad yun ng mga lalaki na tumatawag sa akin kaya tinawag ulit ako. Nasa likod lang pala sila nina Gab.

Nag-angat ako ng tingin sa kanila. Lumingon na rin sa likod si Gab. May kakilala yata siya sa section 3 kaya ganon.

"Sino ba dyan?" tanong niya nga sa kakilala niya. Pinagtuturo nila kung sino yung Brent.

lilies.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon