52

18 2 0
                                    

Kabanata 52

"Lily, delivery," sabi ni Yaya Sita. Bitbit ng hardinero namin ang box ng package dahil malaki iyon at mabigat.

Napaahon ako sa pagkakaupo ko sa sofa sa living room. Nag-angat ng tingin sa akin si Gab pero binalik din ang mata sa cellphone. Iyong basag pa rin na cellphone niya ang gamit niya dahil sabi niya ay gumagana pa raw naman.

Wala rin kasi siyang oras buong semester kaya hindi ko rin siya nabilhan ng cellphone. Sabi ko nga babayaran ko na lang! O kaya ipa-repair na lang niya pero ayaw niya. Gusto niya magkasama pa kaming bibili. At saka tinatamad din talaga siyang magbackup ng files niya.

"Palapag na lang po rito, Kuya Jose," Tinuro ko ang carpet. Nilapag niya roon at agad na akong naupo roon sa pagkasabik, "Thank you, Kuya Jose... Yaya Sita."

Inabot ni Yaya sa akin ang cutter. Matapos ay lumabas na siya.

"Ano yan?" Kuryosong tanong ni Gab. Binaba pa niya saglit ang cellphone at inangat ako ulo para makiusyoso.

"Libro! I ordered a lot since it's summer."

Binuksan ko ang kahon at nandoon na ang mga libro na pinamili ko sa Amazon. Wala kasi karamihan ng titles na gusto ko sa bookstore kaya doon ako namili. Ang saya! Ang bango talaga ng amoy ng bagong libro.

"Don't tell me, iyan lang ang gagawin mo buong summer vacation? Ang boring mo talaga!"

"Nagsalita ang hindi boring, maglalaro ka lang naman din buong summer! Sinabi ni Tita Mylene sa akin, nagsisimula ka na naman daw magpuyat kakalaro."

"At least ako may mga balak ako na gala kasama mga kaibigan ko, ikaw? May naplano ka ba?"

Inirapan ko siya kasi talo ako. Wala akong balak kitain ang mga kaibigan ko ngayong bakasyon. Nasanay na kasi ako na ganoon simula highschool na hindi nakikita ang kaklase ng dalawang buwan.

"See? Hindi ka na talaga magkaka-boyfriend nyan!"

"Edi kung wala talaga, mamimili na lang ako sa mga nanliligaw sa akin sa school."

Humagalpak siya sa tawa. Tinuro niya ako, "Ikaw? Magse-settle sa lalaking hindi mo gusto? Eh sobrang hopeless romantic mo?"

"Edi isama mo na lang ako sa gala mo! Tutal sobrang concern ka naman sa lovelife ko."

I divert my attention again to my books. Hirap na hirap ako mamili kung anong unang babasahin.

"Papuntahin ko mga kaibigan ko rito?"

"Bahala ka, huwag lang araw-araw, magbabasa pa ako."

"Hindi kayo magkikita ni Rai?"

I glared at him because he asked me so loudly. May makarinig! Binalik niya ang tingin sa akin.

"What? Akala mo highschool ka pa rin? Na bawal magkaboyfriend o kahit manliligaw? Hindi naman na mahigpit sayo si Tita Catherine."

"Shut up," saway ko sa kanya, "And, to answer your question, hindi pa namin napag-uusapan yon pero sana."

"Then tell him that. You guys are really close now, so what do you think? Do you know how to flirt now? You like him?"

"Hindi ko alam ang sagot sa lahat ng tanong mo. We're friends. We're happy. That's that."

"Sounds like a situationship," He chuckled. Tinapik niya ang balikat ko at nang-asar, "I taught you well. I gave you the best tutor."

Inirapan ko siya. Binalik ko sa box ang mga libro. Ipapaakyat ko na lang ito mamaya sa kwarto ko dahil hindi ko kayang buhatin lahat.

lilies.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon