36

22 3 0
                                    

Kabanata 36

Saktong pagpasok namin ay pagbaba ni Gab sa hagdan. Dumaan siya sa pagitan ng magkahawak naming kamay. Kaya nabitawan iyon ni Rai. Sinamaan siya ng tingin nito. He just smirked.

"Mama, Rai's here," He announced.

Pinagsalikop ko sa likod ang kamay ko at naunang sumunod kay Gab sa dining room. Pumwesto ako sa tabi ni Tita Mylene. I am almost shrinking. Pinaupo niya na ako roon.

"Nahihiya ka ba sa bisita ni Gab?" She whispered, "Gusto mo ba sa garden tayo?"

Sasagot sana ako ng oo kung hindi lang ako naunahan ni Gab magsalita.

"They know each other."

Pinakilala ni Gab si Rai kay Tita Mylene at nang pumasok si Tito Noel sa dining room ay ganoon din. Abala naman akong kumain ng tinapay na binake ni Tita. Nakaupo ako sa tabi ni Tita Mylene at magkatabi naman si Rai at Gab. Nasa kabisera naman nakaupo si Tito.

"Masarap, Tita," I whispered.

Tita smiled and tapped my shoulders, taking in the compliment.

Nag-uusap sila sa mga bagay na hindi ko maintindihan kaya kinakausap din ako ni Tita Mylene tungkol kina Mommy at Grandma. Our family is really private. I heard Grandma usually doesn't attend social gatherings. Lagi iyon ang sinasabi sa akin ng mga nakilala ko sa Luxus. Kaya ang biglaan kong paglitaw sa Luxus na parang mushroom ay natural lang sa kanila. Nakakagulat pero hindi naman kakaiba. Buti nga raw ay nakikita na nila kami.

Mommy isn't exactly sociable too. Kapag may meetings sa Parkland para sa homeowners ay hindi siya madalas nakakapunta.

Nang matapos na kami ay nag-aya na sa rooftop si Gab. Nasa kitchen kami ngayon dahil naghahanap siya ng pwede kainin at syempre mukhang iinom sila.

Madalas tinutulungan ko sa pagbubuhat si Gab. Ngayon, lahat ng inaabot niya sa akin ay kinukuha ni Rai.

"I am this," Pinakita niya ang hinlalaki at hintuturo na parang may titirisin na insekto, "convinced that you guys are seriously dating if I didn't know your setup."

I feel cornered because I kind of feel like that too. This is how couples act in fiction books. Although, I have a clear understanding that this guy doesn't date seriously so I know where the line is.

Rai only chuckled. "You told me to teach her how to properly date, so technically, we're dating?"

"Ssshh," I put my hands on his mouth, "Baka marinig tayo nina Tita."

Umakyat kami sa rooftop. Mayroong glass table at metal chairs doon kaya doon nila nilapag ang pagkain at inumin. Agad akong nagtungo sa swing dahil hindi naman ako makikisali sa kanilang uminom. May pasok na bukas no.

Umupo sa tabi ko si Gabi, hawak hawak ang can ng alak. Tumingala siya sa langit at kumportableng umiinom sa can. "Ah, monday na naman bukas."

"You're not scared of hangovers, huh?" asar ko.

"Hindi naman ako maglalasing. Kung malasing, edi huwag pumasok?" Ngisi niya.

Tumayo si Rai sa harap namin. Hinarang niya ang kamay sa line of vision ni Gab. "What am I here? Third wheel?"

"Kasya tayo rito," Hinatak niya ako papausog sa kanya. Nagkaroon ng space sa kaliwa ko. Umupo roon si Rai.

"Ang sikip," anunsyo ko at akmang tatayo na pero pinigilan ako ni Gab.

"Kasya tayo!"

I moved closer to Gab, leaving some distance between me and Rai.

"How are you two staying friends? All these years? I have childhood friends but I'm not really as close to them as you two."

lilies.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon