82

19 2 0
                                    

Kabanata 82

Rai's POV

I just know that I am not the type of person who will tolerate this behaviour.

Ako na lang ang hinihintay nila para makaandar ang pickup na inarkila nila. Sa bukana ng entrance ng grocery ay nilapag ko ang kahon na binitbit ko.

Kumunot ang noo ng ilan at lalo na si Adriel nang makita ang ginawa ko. Malamang dahil nagmamadali na sila.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at naglakad ng diretso palabas sa kanto na pinanggalingan namin. Hindi ko sila nililingon kahit ilang beses kong narinig na sinabi nila ang pangalan ko ng pagalit.

Sumakay ako ng tricycle papunta sa Mayari.

"Sir," bati ng mga nakakita sa pagdating ko. Ang manager dito ang humarap sa akin.

Hindi pa ako nagtatanong ay sinabi na niya kung saan ang mga hiningi ko sa telepono. Sinabi ko ang mga pangalan ng mag-ccheck-in.

"Tumawag din po si Sir Kal, pinapasabing tingnan ang email niyo po."

Tumango ako at kinuha ang keycard mula sa kanya.

I immediately fell asleep.

Nagising na lang ako sa mabibigat at mabilis na katok sa pintuan ko. I want to ignore it but it won't stop. Ilang minuto na.

Sinuklay ko ang kamay sa buhok ko at ginulo iyon sa inis. Binuksan ko ang pinto at agad tinulak iyon ni Ethan matapos ay humagalpak sa tawa bago pa siya magsalita.

Humiga siya sa kama ko.

"Kung nakita mo lang ang pagmumukha nila nung nalaman nila na ikaw ang may-ari ng Mayari. Sayang! Umalis ka kasi."

"Yan lang sasabihin mo?"

Nagtungo ako sa bathroom. Iniwang bukas ang pinto, naghilamos ako ng mukha para magising.

"Mags-surf daw sila. Kasama si Lily," Binigyan nya ng diin ang pangalan ni Lily na parang alam na alam niya na iyon ang magpapapayag sa akin. Nang lumabas ako at mag-angat ng tingin sa kanya. Nakangisi na siya, "Baka gusto mong sumama."

I showed him my middle finger.

He chuckled, "You like her, right? Man, akala ko ba hindi ka pumapatol sa may sabit?"

Hinubad ko ang suot na t-shirt at hindi sumagot sa asar ni Ethan. I know that. Alam kong may boyfriend si Lily. I already knew that 6 years ago. It's just that I can't stop my feelings for her. I wouldn't do anything for sure but I still would like to care for her even as her friend.

Seeing her again made me realize that I cannot live without her again. Kahit ano na lang. Friendship. Family friend. I just want to see that she's okay and she's treated right. Kahit hindi sa akin.

Dati ayokong makita siya na magkaroon ng sariling pamilya sa ibang lalaki. Ngayon, gusto kong makilala ang mapapangasawa niya. Gusto kong masigurado na maayos ang lalaking iyon. Hindi katulad ng gagong boyfriend ni Lily.

"What? Are you going to watch me get fully naked?" singhal ko kay Ethan, "I'll just shower. Susunod ako."

Nang makita ako ng mga lalaki ay halos hindi nila ako matingnan. Agad silang nagsimulang maglakad palayo at nagmamadali pa. Tawang-tawa naman si Ethan sa nangyayari.

Adriel left Lily alone in the back. Nauna siyang maglakad kasabay ng mga kaibigan niya. Sumakay sila sa pickup.

Tinapik ni Ethan ang balikat ng mga kasama namin, "Kay Rai ako sasabay, ikaw Lily?"

Hinawakan na niya ang kamay ni Lily bago ito makasagot.

"Pahiram muna kay Lily, Adriel!"

Ni-hindi kami nilingon sa likod ni Adriel. Tinango niya lang ang ulo niya. Halos paliitin na niya ang sarili sa liit ng kanyang galaw.

lilies.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon