Kabanata 8
Nasa classroom na kami. Nakapatong sa ibabaw ng bag ko na nasa sahig ang bulaklak. Hindi ko alam kung anong tawag sa bulaklak na iyon. Kulay dilaw iyon at maraming petals.
Kanina ko pa iniisip na hindi wala man lang akong naibigay sa kanya. Nakokonsensya ako at gusto ko rin talagang magbigay sa kanya.
"Sa tingin mo dapat ko rin bigyan si Adriel? Nakokonsensya ko e, wala man lang ako binigay na kahit ano."
"Nakokonsensya ka sa kanya at sa akin, hindi? Ibalik mo yung chocolate ko!"
"Mayaman ka naman!"
"At ikaw hindi?"
Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi talaga siya nakakausap ng maayos.
"Papa-bake akong strawberry cake kay Yaya Sita sa weekend, pumunta ka na lang. Baka kulangin na ang baon ko kapag binilhan pa kitang regalo."
Nilabas ko ang wallet ko. May isang 100 doon at 50 pesos. Tinabi ko ang 50 pesos para sa balak na bumili ng regalo kina Dana, Zoe, at Adriel.
"Ang konti naman kasi ng baon mo. Kapag nanghingi ka ng dagdag, sabihin mo magkano ang baon ko kay Tita Catherine!"
"Ayoko! Sobrang laki naman kasi ng baon mo, 500. Kasya naman ang baon ko, isa pa, pinaghahanda naman akong baon na pagkain."
Tiniklop ko ang 50 at saka tinabi na ang wallet ko sa bulsa.
Pagka-recess ay bumili ng isang box ng pizza si Gab sa canteen. Hindi naman ako bumaba kaya pagkaakyat niya, ubos ko na ang baon kong sandwich.
Nalukot ang mukha niya sa tuwing lumilingon siya sa akin at nakikita akong natatakam sa kinakain niya. Ang bango naman kasi ng kinakain niya.
Hindi naman iyan mamimigay. Kulang pa sa kanya yan. Tinuloy niya lang ang pagkain. Nang isang piraso na lang ang pizza niya, hinati niya iyon sa dalawa at nilagay sa box ang kalahati. Nilapag niya sa desk ko ang box.
"Iyo na yan, kawawa ka naman."
"Hindi mo man lang binigay ng buo!" reklamo ko.
Tumawa siya, "Ikaw ang magtapon ng box sa basurahan."
Sinimangutan ko siya pero napawi rin iyon dahil kinain ko na ang pizza na bigay niya. Ang sarap talaga kapag hingi.
Pinapanuod niya akong kumain at ginulo ang buhok ko. Nilapag niya ang binili niyang softdrinks. Yumuko naman siya para kunin ang water tumbler ko sa bag.
Binuksan ko ang softdrinks at pinunasan ng panyo ko ang bunganga no'n saka ako uminom. Minsan naman hindi ko na iniisip na may laway niya iyon kaso naisip ko ngayon.
Nang mag-uwian, sabay-sabay kaming lumabas nina Zoe at Dana para bumili ng regalo. Nasa likuran namin sina Dylan, Gab, at Jerome dahil hinihintay ako ni Gab para sabay kaming umuwi.
Pumwesto si Gab sa tabi ko nang patawid na kami sa pedestrian lane papunta kina Filipino. Siya rin ang nagtaas ng kamay sa sasakyan para tumigil.
"Kina Mang Dan na kami, gusto mo banana cue?" si Gab iyon.
Tumango lang ako. Sana libre!
Namili na ako ng ibibigay ko kay Adriel. Nakita ko ang pink na hugis heart na maliit na unan na nakatuhog sa puting plastic na stick. Iyon na lang ang ibibigay ko. Ang cute e.
"Lahat magaganda," ani Dana. Kaya mas lalo siyang hindi makapili.
Nang makapili na siya ay binayaran ko na at sumunod na kami kina Mang Dan para sa hotcake ni Zoe.
BINABASA MO ANG
lilies.
Teen FictionCatlyn Lily Acosta made a promise when she was 13 years old. She will make Ian Adriel Santos her boyfriend when she's already 21. Thinking 8 years is a short time, she committed. An unexpected event makes her reluctant to believe in love. Their lov...