80

13 1 0
                                    

Kabanata 80

"CR lang kami, bill out na tayo," Tumayo sina Niki, Joshua, Errol, at Harold.

Tumawag ng server si Adriel. He gestured for the receipt. May binubulong ito kay Lily at sumasagot naman si Lily. Nagtawanan sila matapos. Hinalikan niya ang pisngi nito.

Matapos ay tumayo ito. "Maninigarilyo lang ako, sama ka Jay?"

Umiling si Jay. "Sige lang, una ka na!"

"Daniel, ikaw?" Umiling si Daniel. Bumagsak ang tingin nito sa akin, "Kayo?"

"I don't smoke."

Nagkibit balikat siya at nauna nang lumabas. Ilang minuto pa ay dumating na ang bill. Lily received it. Pinanuod ko lang siyang tingnan iyon. Maybe, Adriel left the money with her. When I saw her get her card, I immediately stood up. Inagaw ko sa kanya ang lalagyanan ng bill.

Nagtaas siya ng kilay dahil sa ginawa ko. I fished my wallet in my back pocket. Nilabas ko ang credit card ko at iyon ang nilagay kasama ng resibo at binalik iyon sa server.

Mabilis kong ginawa iyon dahil alam kong aalma siya, "Go now," sabi ko sa server at magaang tinapik ang balikat niya.

I am well aware that we are traditionally raised by our parents. Holding doors for women, children, and elderly, carrying heavy stuff for them, and never allowing women to pay for you or anything, we were taught to treat women respectfully. I don't want any girl, especially my girl, to be treated otherwise. I was raised like that.

"I have money," Lily calmly said but I know she's pissed. Ever since, this is what we always argue about.

"I can see that," I don't want to sound sarcastic but I am extremely pissed now. Hindi sa kanya. Sa lahat ng lalaking kasama niya. How can they let her pay for everything? Ni-hindi nga sila magkasama! Nakita lang siya ni Adriel sa labas.

She clearly told me she's alone.

"So I can pay for it."

Pumikit ako ng mariin. "Yes, I know you can but still, let me do it for you."

Bumalik na ang server at binalik ang card ko. Hudyat iyon na tumayo na si Lily. Nauna siyang lumabas at hindi nagpaalam sa amin.

"Ethan, tara na."

"May sasakyan ka bang dala?" tanong sa akin ni Ethan, "Nagpahatid lang ako e. Tinatamad ako mag-drive."

"Hindi kita isasakay," tunog kalmado pero alam niyang iritado na ako.

Hindi niya ako mapipilit kaya agad siyang nagpunta kay Daniel.

"Sasakyan lang ni Adriel ang gamit namin papunta. Parang hindi na kasya ang siyam. Innova lang 'yon e."

Lumingon si Ethan sa akin at nagmamakaawa ang mukha. I smirked. Ang bilis ng karma.

Tinapik ni Daniel ang balikat ko, "Hintayin muna natin sina Joshua rito."

Sinundan ko ng tingin si Lily na kakaliko palang papuntang parking.

"Susunduin niyan si Adriel," bulong ni Jay sa akin, "Magkakilala kayo ni Lily?"

Siniko ako ni Ethan at marahil gusto niya akong magsinungaling.

"Oo."

Inangat ni Daniel ang pulso ko kung nasaan ang relo ko, "Tingin ko talaga, totoo tong Rolex mo e."

Inakbayan ni Ethan ang dalawa. "Lasing na kayong dalawa! Nandyan na sina Errol. Tara na!"

"Para kang tanga," puna ko kay Ethan.

"I am enjoying this," He grinned, "I wanna see their reaction once they know you're their boss. Let them trample you, man, so I would see more fun reactions later on."

"Tangina mo, pag nagresign yang mga yan."

"Sus," Sinuntok niya ang braso ko, "Yung pagmumukha mo kanina parang gusto mo nga silang ipatanggal agad."

lilies.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon