Kabanata 81
Rai's POV
Nagpasya kaming sa airport magkita-kita. Nang marinig ko na sa kotse ni Adriel sasakay si Lily ay nakampante na ako. May naririnig kasi akong mag-ggrab daw ang iba dahil hindi sila kasya.
Hindi ako nagpresintang pasakayin sila sa sasakyan ko. Hindi ko lang gusto. Oftentimes, I am kind enough to drive for people. I like driving. Ngayon, ayoko lang. Hindi ko gusto itong mga kaibigan ni Lily.
Hindi ko rin sinabay si Ethan. Hinintay ko silang makaalis bago ako sumakay sa kotse ko. I parked my car in the airport parking lot. I walked inside.
Tinawagan ko si Ethan para tanungin kung nasaan sila. Agad ko rin naman silang nakita sa loob ng boarding. Itinuro ako ni Ethan kay Lily at siya na ang lumapit para kausapin ang staff sa airport. Mayroon siyang pinakita galing sa cellphone niya at pinapasok na ako.
She boarded the earliest flight she could find. Isang oras na lang ay boarding na. May layover ito sa Cebu City matapos ay papuntang Siargao na.
Papasok sa boarding ay iniwan ni Adriel si Lily at abala sa pakikipag-usap at tawanan sa mga kaibigan niya. Nakikisama rin doon si Ethan.
Nasa likod lang si Lily at hindi nakikisama. Nakatanaw lang siya sa labas kung saan tanaw ang mga eroplano. Nasa likod naman niya ako.
Kinuha ko ang bitbit niyang bag at sinukbit iyon sa balikat ko. Matapos ay nilampasan ko siya para mauna, pinakita ko sa airport staff ang ID ko at boarding pass. Hinintay ko siyang makalampas.
"Iniiwan ka mag-isa ng boyfriend mo?" Tanong ko nang hindi na mapigilan ang sarili dahil mas lalo lang akong naiinis kada maiipon ang galit ko sa sitwasyon.
Nagkibit-balikat siya.
"Really? And you tolerate him, not treating you right?"
Nagkibit-balikat ulit siya.
Someone assisted her going up the stairs to the airplane.
Her silence tormented me. Mas lalo akong naiinis sa sitwasyon. Mukhang mali nga na hinayaan ko siya sa lalaking ito.
She's not even receiving the bare minimum.
Alas sais ng umaga kami nakarating sa accommodation. Gising na gising ang diwa ng mga kasama ko, siguro dahil umaga na. Hindi ako sigurado kung nakatulog ba sila sa eroplano. Malamang.
I am sleepy now but I feel more like exhausted. Inaakbayan ako ni Daniel habang naglalakad kami papunta sa Market. Balak nilang bumili ng isusuot naming damit. Ayaw nila sa mga souvenir shops dahil mas mahal daw magbenta roon.
Magkahawak kamay ngayon sina Adriel at Lily. Kapantay nila sa paglalakad sina Errol at Niki. Kasabay maglakad ni Ethan ang iba.
Nahuhuli kami sa paglalakad ni Daniel dahil din sa akin. I have zero enthusiasm now.
"Ateneo ka rin, tama?" tanong ni Daniel habang naglalakad, "Ako rin. Naririnig ko ang pangalan mo sa Ateneo. Crush ka ng mga kaklase ko, sir Rai."
I didn't react or what. Hindi ko rin naman itatanggi kung itanong niya kung sino ako. Kung alam niya, edi maganda. Hindi ko na kailangan ipakilala ang sarili ko.
Bumitaw siya sa akbay sa akin nang matantong totoo nga ang hinala niya. Alam niyang totoo iyon pero ang makurpirma iyon sa akin kahit wala naman talaga akong sinabi ay nagpagulantang pa rin sa kanya.
"Hindi kita kilala sa mukha talaga, sir, duda na ako nung narinig ko ang pangalan mo. Pinicturan kita at pinakita sa mga kaibigan ko. Sorry, sir, sa mga kaibigan ko."
BINABASA MO ANG
lilies.
Teen FictionCatlyn Lily Acosta made a promise when she was 13 years old. She will make Ian Adriel Santos her boyfriend when she's already 21. Thinking 8 years is a short time, she committed. An unexpected event makes her reluctant to believe in love. Their lov...