PROLOGUE

29.5K 430 32
                                    

"KATHY let's get married."

My jaw dropped and eyes widen as i stare at Dan kneeling in front of me holding my hand while I'm sitting on a swing in the middle of the night. My boyfriend called me and told me to come here at the park near our village and suddenly he asked me to marry him?

"Dan are you serious?"

He gripped my hand tighter, "Ayaw mo bang magpakasal sa akin?"

"Ang bata pa natin, I just turned 18 last week isa pa hindi papayag si Daddy."

He closed his eyes, "Tatakas tayo yung malayo dito."

I frown at the seriousness in his voice. "Dan naman, ano ba nangyayari sa'yo? Nakainom ka ba?" I cupped his face and move my face closer to smell his breath. My nose crinkle at the tinged smell of beer. "You're drunk."

"Hindi ako lasing, seryoso ako umalis na tayo dito yung malayo sa problema."

Understanding came to my mind, madami siyang problema ngayon nasa ospital ang nakababatang kapatid niya na si Erin dahil sa sakit na leukemia, siya lang ang bumubuhay rito dahil ang ina nila ay pumanaw nung nakaraang taon at ngayon nga ay na-diagnose naman ang sampung taong gulang niyang kapatid na babae.

"Dan naiintindihan ko na ang dami mo pinagdadaanan ngayon pero nagaaral pa tayo pareho, may sakit si Erin at ikaw naman halos hindi ka na nga nakakatulog dahil sa pagaaral habang nagtatrabaho kasabay pa ng pagbabanda mo."

He gave me a bitter smile, "Pera...pera talaga nagpapaikot sa mundo no?"

"What? That's not what I meant."

Umiling siya, "Totoo naman siguro kung hindi lang gago at walang kwenta ang tatay ko baka hindi ako naghihirap ngayon kung paano ko igagapang ang pagpapagamot sa kapatid ko."

"Kaya intindihin mo rin ako Dan, kung magpapakasal nga tayo na hindi ko alam kung bakit bigla na lang pumasok dyan sa isip mo, saan tayo dadalhin nun? Dapat ang pagtuunan mo ng pansin si Erin."

"Ito, ito na lang ang pinanghahawakan ko Kathy, yung tayo." Desperado na ang boses niya.

"You're drunk that's why you're acting this way bukas kapag gising mo maiisip mo what's the right thing to do."

"Hanggang dito na nga lang siguro talaga kung bukas paggising ko kailangan kong gawin ang tama, pero ano ba ang tama?" Pain and confusion was evident in his eyes.

Naguguluhan man ako sa mga sinasabi niya, he's talking nonsense maybe because he's drunk kaya hinaplos ko na lang ang pisngi niya.

"Kung ano man pinagdadaanan mo lagi lang akong nandito."

"I'm sorry..." His eyes full of sadness.

"You don't have to be, alam ko naman na naguguluhan ka lang ngayon at hindi nakapag-isip ng mabuti kaya mo ako biglang inalok ng kasal." I smile at him.

Sumubsob siya sa kandungan ko, "I want to be the right one for you."

"But you already are, you are good for me."

"But I can be better. Hindi ko nga alam kung bakit mo ako nagustuhan, I mean look at you and look at me. Ano ba ang meron sa akin? Working student na ang alam lang gawin magbanda para mabuhay ang kapatid ko, ang meron lang ako utak para mapanatili ang scholarship ko sa Westley U at makapag-aral habang ikaw maganda, matalino, mabait, mapagmahal at mayaman na lahat ng gusto mo maibibigay sayo, may mga magulang ka na nandyan at ang ama mo na gagawin ang lahat para sa'yo, prinsesa ka sa inyo habang ako bukod sa isang duwag na tatay wala na ako, wala akong maibibigay sayo kundi ang sarili ko."

When You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon