Chapter 4

11.9K 328 16
                                    

"SINO yung kasama ni Daniel mo?" Siniko ako ni Mara, sinundan ko naman ang tingin niya.

"Myra? Nakilala ko siya dati. They go to the same class."

"Hmn medyo hindi ko gusto ang amoy niya kahit ilang metro ang layo sa atin."

Tiningnan ko naman ng nagtataka si Mara. "Anong amoy?" Ginaya ko siya na suminghot din sa hangin, parang wala naman.

"Amoy malandi."

Natawa ako sa kaibigan. "Pareho tayo." Tsaka kami nag-high five.

"Pero bakit kasi sila magkasama? Kita mo nga makadikit kala mo may kati na hindi makamot." Tiningnan pa nito ng masama sina Dan at Myra na magkasabay na naglalakad papasok sa building ng department nila.

"Hayaan mo na nga sila. Tara na baka ma-late pa tayo." Hinila ko na siya paalis, palayo kung saan natatanaw ko si Dan.

First week of class na namin at sa isang linggo na nagumpisa ang pasukan ay hindi ito ang unang beses na nakita ko sila magkasama.

"Hay naku bakit naman kasi ang bagal mo ate girl?" Kumapit na lang si Mara sa braso ko. "Masakit no?"

Aaminin ko naman na nakakaramdam ako ng kirot sa dibdib sa tuwing makikita ko sila magkasama pero--"Ano naman karapatan ko?" I voiced out.

"Sino nagsabi na wala kang karapatan magselos dahil lang hindi kayo? Kathy may karapatan ka kasi may gusto ka."

Napangiti na lang ako. "Whatever Miss Expert."

"You don't need to be an expert to know that. Pero naman ate girl you've been crushing on him since forever wala ka man lang ba balak kumilos?"

"Mara..."

"I know! Sasabihin mo na bakit pa kung malabo naman na mangyari." Napairap pa siya sa akin. "Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan?"

"Ayos na ako kung ano meron kami kung subukan ko at hindi mag-work mas masakit lang kasi tuluyan siya mawawala sa akin."

Napabuntung hininga na lang si Mara na naubusan na rin ng sasabihin at pangungumbinsi sa akin. "Whatever but still naniniwala pa rin ako na may chance kayo. Team JSquared ako!"

"J what?"

"J squared. JAN Katherine and Daniel JORGE."

I gave her a ridiculous look. "Seriously? Ang dami mo naman alam."

"Bakit ba? Ship ko 'to huwag ka nga."

"Well it just so happen that ako ang isini-ship mo."

"Pakipot nito as if hindi ka kinikilig."

Napakagat labi na lang ako at nagpigil ng ngiti.

"KATHY!"

Nalingunan ko si Russell na tumatakbo palapit sa akin, kalalabas ko lang ng classroom.

"Russell, tapos na klase mo?"

"Oo, nag-lunch ka na?"

"Hindi pa, ikaw?"

"Sakto nagugutom na rin ako. Tara kain tayo." Inakbayan niya ako.

Hinarap ko siya at pinameywangan, "Ikaw Russell umamin ka nga."

"Ano yun? Wala akong gusto sayo ah."

Nalukot ang ilong ko sa sinabi niya. "Alam ko pero hindi yun ang tinutukoy ko." Hinampas ko siya sa braso. Malabo naman kasi talaga na magustuhan niya ako dahil iba ang gusto niya which happen to be my best friend Mara but knowing her I don't think she has an idea.

When You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon