Chapter 73

13.3K 353 45
                                    

"NASIRA yung daan Love dahil sa bagyo ang sabi baka hanggang bukas pa maaayos. I'm sorry hindi ako makakauwi."

"It's okay hindi mo naman ginusto and ayoko din naman na magbyahe kayo ni Daddy kagabi habang bumabagyo ng malakas." Napahimas ako sa tyan habang kausap si Dan sa telepono.

"Bakit kasi na-extend yung pag-stay namin dito dapat isang araw lang eh ayan inabutan kami ng bagyo tuloy. Dapat hindi na lang ako sumama." Nasa Nueva Vizcaya kasi ngayon ang asawa at si Daddy dahil may kinailangan sila tingnan na lupa, supposedly ay babalik din sila kinabukasan pero nagkaroon ng aberya sa taong kausap nila kaya naman kinailangan nila mag-stay ng isa pang araw para mahintay ito at ayun nga naabutan sila ng bagyo kaya instead na isang araw ay naging tatlo ang pag-stay nila.

"But Love, Daddy DJ needs you sa pagtingin ng lupa dyan tapos may kailangan pa kayo kausapin."

"Pero mas kailangan mo ako, anytime pwede ka na manganak tapos wala pa ako sa tabi mo."

"Bukas naman na di ba? Isang araw na lang nandito ka na ulit. Makakapag-hintay pa naman nuggets mo." I smile through the phone na napalitan rin ng pag-ngiwi at napahimas ulit sa tyan.

Nagbaba si Marion ng mainit na gatas sa center table  habang si Mommy Kath naman ay alalang pinapanood ako na nakapwesto na higa sa couch. They were staying with me dahil nga umalis si Dan at ayaw nila mag-risk na maiwan ako mag-isa. Until now kasi wala pa kami balak kumuha ng makakasama sa bahay bukod sa lingguhan na naglilinis.

"Pero miss na kita. Kayo."

"I miss you too. Hihintayin kita, hihintayin ka namin ha?"

"Can I talk to them?"

"Okay." Ini-loudspeaker ko ang phone at idinikit sa tyan ko. "Go."

"Nuggets ko, hintayin niyo si Papa ah? Wag muna kayo lalabas. Para sa future niyo din 'to."

Natawa ako habang nakikinig sa asawa na kausap ang mga anak namin sa tyan ko.

"Love sige na, I have to go. Tulungan ko pa si Mommy nagaayos kami ng nursery."

"Hindi mo ako pwede kausapin habang gumagawa kayo?"

"No, I need to concentrate."

"Looove...!" He whined.

I giggle at the cuteness in his voice. "Sige na, I'll call you later and please magiingat ka dyan."

"Sige na nga. I love you."

"I love you too."

Pagkababang pagkababa ko ng tawag ay tsaka lumabas ang pinipigil kong pag-ungol ng humilab na naman ang tyan ko.

"Kathy are you okay, anak?" alalang lumapit sa akin si Mommy at si Marion na tumalungko sa harap ko na may bakas rin ng pagaalala sa mukha.

Napasinghap ako. "Mommy, I think...I think my water just broke."

Mabilis akong nabuhat ni Marion pasakay ng kotse habang si Mommy naman ay tumakbo sa kwarto namin para kunin ang bag na nakahanda na para sa ngayon.

"Aah!" Hindi ko mapigilan na malakas na mapaungol dahil sa paghilab ng tyan ko.

"Oh my god! Katherine! Wag ka maingay natataranta ako!" Malakas na sabi ni Marion habang nagmamaneho siya at si Mommy naman ay hinihimas ang tyan ko na para bang nakakatulong iyon sa akin.

"Paanong wag maingay eh masakit nga!"

"Marion, mag-drive ka na nga lang isa ka pang maingay!" Suway ni Mommy sa kapatid.

Bumulong bulong pa si Marion sa sarili niya na hindi ko na pinansin dahil mas nangingibabaw ang sakit ng contraction ko.

DAN

When You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon