Chapter 10

13.2K 302 18
                                    

"AYAN kasi nag-stay ka pa ng matagal sa araw." Sermon ko kay Dan, nakaupo kami sa sofa ng sala nila Russell habang nilalagyan ng cream ang namumulang pisngi niya dahil sa sunburn. Meron din naman ako pero hindi ganun kalala dahil na rin sa nag-apply ako ng sunblock lotion bago lumusong sa init ng araw.

"Bakit naman kasi ang tagal niyo bumalik?" Tanong ni Marion habang kumakain ng saging at pinapanood ang paggamot ko kay Dan.

"Aah-" paano ko naman sasabihin na kaya kami nag-stay sa tubig ay dahil kumukuha lang kami ng alone time?

"Nasira yung makina, huminto sa gitna." Pagsalo ni Dan sa akin.

Tumango-tango si Marion, para naman akong nakahinga ng maluwag dahil mukhang naniwala naman ang kapatid ko.

"Paano nasira yung makina eh mukhang okay naman bago niyo gamitin?" Pambabasag ni Russell na may ngising nananadya.

Tiningnan ko siya ng masama. "Bakit hindi ba pwede magkaproblema habang ginagamit namin?"

Nagkibit balikat si Russell pero hindi naaalis ang ngising pang-inis. "Oo nga naman."

"Daniel sobrang masakit ba? Kawawa ka naman." Tumabi si Myra sa kabilang side ni Dan at humawak sa braso nito.

"Okay na." Pasimpleng iniwas ni Dan ang braso rito habang nakatingin sa akin. Alam ko naman na hindi na maipinta ang mukha ko pero pilit ko pinipigil.

"Baka kailangan mo magpahinga, kaya mo ba tumugtog mamaya?"

Naningkit ang mga mata ko ng dumapo ang kamay niya sa hita ni Dan.

"Ang OA naman, sunburn lang yan girl hindi maiimbalido si Daniel sa simpleng pagkasunog ng balat." Nakairap na sabi ni Mara.

"Try mo itong gamot na to baka mawala pamumula ng balat mo." Nilabas ni Myra ang hawak na cream at hindi pinansin ang sinabi ni Mara.

Isinara ko ang cream na gamot na hawak ko. "Okay na Myra. Nalagyan ko na, hindi pwede pagsabayin sa gamot na nalagay ko baka mas lumala lang." May diin na sabi ko, isa pa ito nananadya rin.

"Well baka lang kasi mas effective yung sa akin."

"So you want to wash off the cream I put para magamit yung sa'yo? Go ahead and waste our time."

Her lips formed a thin line pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Ang hot mo naman Kathy, chill lang." Natatawang saway ni Jace sa akin but he knew I'm not in the mood kaya naman tinikom na lang rin niya ang bibig.

"Hayaan niyo na, PMS lang yan si Kathy. Hindi na kayo nasanay." Sabi ni Marion na lumapit at umakbay sa akin. "Cool down, don't show your brattiness here." Bulong niya sa tenga ko.

Napanguso na lang ako at umirap. "I'm not being a brat."

"Yes you are, sinusungitan mo wala naman ginagawa si Myra sa'yo."

Inalis ko ang pagkakaakbay niya sa akin. "Kala mo lang wala." Mahinang sabi ko at hindi na pinarinig sa kanya. "We should get ready para makaalis na tayo papunta sa gig niyo."

"AM I being a bitch to Myra kanina?" Tanong ko kay Mara habang nakatayo kami sa harap ng stage, maya-maya lang ay lalabas na ang banda nila Dan para buksan ang program.

"Well kahit naman ako nagulat sa biglaang outburst mo pero you have your reasons naman, nakikita ko naman kung paanong landi-landiin ni girla si Daniel, what more ikaw? So I understand."

"You understand kasi alam but what about them?"

"You know the answer Kathy. Ikaw lang ang makakapagbigay ng solution sa dilemma mo, simply tell them the real score between you and Daniel."

When You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon