Chapter 42

21.1K 373 24
                                    

"THOSE are your sketches when you were a kid."

Napalingon ako kay Mommy Kath na naupo sa tabi ko sa floor nang buksan ko ang hawak na box. Nandito kami ngayon sa kwarto kung nasaan ang mga paintings ni Daddy DJ naka-display, this also serves as Mommy's studio noong sumasayaw pa siya and right now ay tinutulungan ko si Mommy mag-sort out ng ilang mga gamit.

"Tinago niyo pa rin po pala ito." Inilabas ko mula sa box ang mga papel kung saan may mga sketches ako nung bata pa na kahit ako mismo ay hindi ko matandaan na ginuhit ko.

"Of course. This," may inilabas siyang papel at ibinigay sa akin. "This is your fist drawing ever."

Tinitigan ko iyon, it was a typical drawing ng mga bata. A human stick with names on top of it. 'Daddy DJ. Mommy Kath. Marion. Baby Kathy'

Hinaplos ni Mommy Kath ang buhok ko, smiling. "I've always want you to be like me, my mini me."

"And I am. I look exactly like you."

"Yes but you are your father as well. I enrolled you in a ballet class but you preferred drawing, you have this same cheeky smile, same look in your eyes kapag naiinis, nagagalit at natutuwa. And you know what you really got in your Daddy DJ? Pareho kayo magmahal."

"Why are you talking like that Mommy?"

"Just because..." Nagkibit balikat siya. "Dalaga ka na talaga, hindi na ikaw yung baby girl namin na sunod ng sunod sa akin, na nagta-tantrums kapag nagigising ng wala si Daddy DJ. You're not our baby anymore, you're someone else's now." A tear welled up her eyes.

"Mom!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Are you pregnant?!"

"What? No!" Natatawang umiling siya. "Why you want a baby sister or brother?"

"No Mommy! Ako lang dapat baby niyo." Niyakap ko siya sa bewang at sumiksik sa gilid niya habang nakaupo pa rin kami sa floor.

Tinapik niya ang braso ko na nakayakap sa kanya. "I don't even know where'd you get the idea."

Napalabi ako. "If you're not pregnant then why are you acting this hormonal and dramatic?"

"Dahil to sa Tatay mo eh!" Napakunot noo ang ina na parang nagsusumbong. "Ilang araw nang halos gabing gabi na umuuwi. Tulad ngayon, umalis ng tulog pa ako at uuwi na naman ng tulog na ako!"

"You missed him!" I laughed out loud. "Then bakit po hindi niyo na lang puntahan sa office? Kung miss mo na si Daddy DJ for sure mas miss ka na nun."

"Hmp! Ayoko nga, parang hindi naman na niya ako naiisip."

Natigil kami ng may kumatok sa nakaawang na pinto.

"Ma'am nasa baba po si Sir Daniel." Imporma ng kasambahay namin.

"Daniel?" Sabay na tanong namin ni Mommy.

"Daniel po ni Ma'am Kathy."

"Sorry Mommy." I giggled. "Better call Daddy na lang na umuwi ng maaga."

Inilagay ko na sa box ang mga papel na may lamang sketches at ibinalik iyon sa may cabinet.

"Pakisabi po bababa na ako. Pakidala na lang po muna siya sa entertainment room." Sabi ko sa aming kasambahay na umalis na rin. Inayos ko na ang mga ilang mga gamit na nakakalat.

"Ako na bahala dito. Babain mo na si Daniel." Sabi ni Mommy na inagaw ang hawak kong photoalbum na siyang inaayos namin sa shelves kanina.

"Okay, thanks Mommy!"

Patakbo akong lumabas at nagmamadaling pumunta ng kwarto ko. Mabilisan akong naghilamos to freshen up, sinuklay ko rin ang inilugay kong buhok na naka-messy bun kanina, nag-powder sa mukha and apply a lip balm. Nagpalit na rin ako ng shirt at baka nag-amoy pawis na ako and spray some perfume.

When You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon