a/n: this is long over due, kaya sorry po! But to let you know, during my semestral and christmas break kasi i spent my vacation sa papa ko sa US and i just came back a few days ago kaya madami ako nilakad, catching up and everything also nag-ayos ako sa school for my enrollment kaya kahit gusto ko matapos pag-update ko it took me this long. So madaldal na ako masyado kaya enjoy reading na lang! :p
-----
NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman ko ang paggalaw ng kama. "Love?"
"Hey, go back to sleep. Maaga pa." Hinalikan ako ni Dan sa noo.
"Why are you up then?" Yumakap ako sa leeg niya ng akmang babangon siya.
"I have an early flight to Cebu."
"Ngayon na yun?" Napalabi ako, naipaalam niya sa akin nung isang araw na may business trip siya sa Cebu.
"Yes, pinaagahan ko talaga para makauwi ako later tonight." Marahan niyang inalis ang kamay ko sa leeg niya. "Mag-shower lang ako ah. Matulog ka pa."
"Hmnn, okay." Tumango ako sa kanya at niyakap ang unan niya, sniffing his scent.
Pumasok na siya ng banyo and I should go back to sleep but instead ay bumangon na rin ako at hinanda ang isusuot niya, from his dress shirt, slacks, and tie. Nang maiayos iyon sa ibabaw ng kama ay lumabas naman ako ng kwarto and prepare his breakfast.
"Sabi ko matulog ka pa eh." Sabi ni Dan na nakasandal sa hamba ng pinto ng kitchen, he's now dress with his tie still undone.
"You have to eat." Sakto naman na katatapos lang ng niluluto ko. "You want to eat here or sa dining?"
"Dito na." Naupo siya sa stool by the island counter, binaba ko naman sa harap niya ang fried rice, toast, bacon and eggs. Nagsalin rin ako ng coffee sa mug niya at inabot sa kanya.
"I can always get used to this." Hinila niya ako paupo sa kandungan niya habang kumakain siya at ako naman ay inayos ang neck tie niya.
"WILL you be back by dinner?" Tanong ko nang ihatid ko siya sa front door.
"7pm ang flight back ko kaya huwag mo na ako hintayin."
"Okay, mag-iingat ka ah."
He kissed the top of my head. "Go back to sleep ha."
"I will, mamayang 9 pa naman ako kailangan sa office."
"I'll call you when I landed."
Tumango ako. "I love you."
"I love you, too."
I pull his tie and kissed him goodbye but he thinks otherwise. He instantly wrapped his arms around me pulling me to him, supporting my weight. He bites and tugged at my lower lip, pushing his tongue inside.
Marahan ko siyang itinulak sa dibdib, gasping for air. "You'll be late sa flight mo."
Napatitig siya sa mga labi ko. "Maybe I should cancel and resched, dito na lang tayo." Hinalikan niya ulit ako pero umiwas kaagad ako much to his dismay.
"No way, sabi mo importante yung kailangan mo i-meet sa Cebu."
"Yeah pero mas importante ka." He slide his hands down to grabbed my butt.
"Dan, no!" I pushed his face away nang akmang hahalikan niya ulit ako.
"Love, naman." He pouted.
"You go na hmn?" Inayos ko na ang kwelyo ng suot niyang coat.
"Ano gusto mo pasalubong? Dried mangoes? Lechon?" Pinag-untog niya ang noo namin.
I giggled. "Uwian mo lang ako in one piece. It's more than enough."
BINABASA MO ANG
When You Were Mine
FanfictionL-O-V-E series #2 He left without any reason and now he came back without giving any. Would things go back to what they used to be? Would you accept the same person who hurt you the most? Would you give a second chance to your heart and take a risk...