Chapter 75

14.7K 323 32
                                    

a/n: last chapter then an epilogue. Seryosong mamimiss ko talaga si Kathy and Dan 😢

-----

DAN

I TURN off the engine pagka-park ko ng sasakyan bago bumaba. Bumukas naman agad ang pinto pero hindi ang inaasahan ko ang sumalubong sa akin, hindi mukha ng asawa ko kundi ibang babae.

"Ang aga niyo naman po Kuya Daniel." Salubong ni Maris, ang kasama namin sa bahay, at kinuha ang dala kong paper bag na may lamang lata ng mga gatas at diaper.

"Ate Kathy mo?" Hanap ko agad sa asawa nang makapasok kami ng bahay.

"Nasa kwarto po sila ng mga bata. Umakyat po pagkatapos mananghalian para patulugin mga bata."

"Sige, pakidala na lang yan sa kwarto ng kambal."

Pamangkin si Maris ng isa sa mga kasama sa bahay nila Papa, wala sana kaming balak kumuha ng makakasama pero naisip ko na mahihirapan kami lalo pa si Kathy mula ng manganak siya kaya naman maglilimang buwan na sa amin namamasukan si Maris and so far ay ayos naman siya, mahilig sa bata at magalang sa amin. Malaki rin tulong niya sa pagmemintina ng bahay.

Hands on naman si Kathy sa pagaalaga ng kambal namin, hindi na muna rin siya bumalik sa trabaho sabi niya ay tsaka na lamang kapag yung pwede ng maiwan ang mga bata so for now ay puro sa amin lang muna daw ang atensyon niya.

Umakyat kaagad ako sa kwarto namin, sa pinto pa lamang ay pinakinggan ko na kung ano ang ginagawa ng mag-iina ko pero tahimik sa loob. Dahan dahan ko binuksan ang pinto and there they are, sleeping. Nakahiga silang tatlo ng pahalang sa kama.

Isabel Finley, our Sab, ay nakapwesto sa gawing headboard ng kama while si Sammy Finnegan ay nakasiksik sa kakambal niya, they were just five months old but they already have this clinginess sa isa't isa lalo kapag natutulog. Si Kathy naman ay nasa paanan ng kama at mahimbing rin ang tulog.

Niluwagan ko ang suot na necktie and rolled my sleeves to my elbow bago naupo sa dulo ng kama at tabi ng asawa. Inayos ko ang buhok niya na tumatakip sa mukha niya. Gustong gusto ko talagang pinapanood siyang matulog though she finds it creepy, para daw akong stalker kapag ginagawa ko yon sa kanya. It's not like she'll know it anyway, hindi ko na lang pinapaalam sa kanya na kadalasan in the middle of the night nagigising ako at tinititigan ko lamang siya matulog.

My movement stirs her up. "Dan..?"

Her voice hoarse na may iba pang ginising sa akin. Shit! Kalma Danyel, yung mga anak mo katabi lang ng asawa mo at inosenteng natutulog.

"Hi, Love." Dumukwang ako at hinalikan siya ng masuyo sa mga labi.

"Hmm...what time is it? Bakit ang aga mo yata?" Sumiksik siya sa hita ko.

"2:30, maaga ko natapos yung paperwork kaya nag-half day na lang ako. Bumili na ako ng diaper and milk."

A smile curved up her lips at itinaas niya ang dalawang kamay sa akin. "Huuug!"

Napangiti ako at niyuko siya to craddle her to my lap. "Ang laki naman ng baby ko."

Yumakap siya sa leeg ko at kiniskis ang ilong doon. "Baby mo ako?"

"Ikaw naman talaga unang unang baby ko."

"Hmm...love you."

"I love you too." Hinalikan ko siya sa mga labi, it was supposed to be just a quick one but she gripped my nape and open lips to welcome my kisses. Sino ba naman ako para tumanggi di ba? And so yung dapat na innocent kiss lang ay lumalim.

I bit her lower lip and thrust my tongue inside her mouth to taste her, sucking hers like it's some sort of candy, my favorite candy. Humigpit pa lalo ang pagkakahawak niya sa akin and she moaned, and that damn moan vibrated down to my groin, may ginigising at may unti unting nabubuhay.

When You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon