Chapter 16

12.7K 281 9
                                    

a/n: not proofread :)

-----

"MAKAKAPASOK na ba si Daniel ngayon?" Tanong ni Mara habang naglalakad kami papunta ng locker.

"Oo siguro, may mga inayos lang naman siya dahil sa biglaang pagkawala ni Tita Jen kaya hindi agad siya nakabalik ng school."

I only hope na sa tagal ng namissed niyang klase ay ma-maintain niya pa rin ang scholarship niya. It's been a week kasi since nailibing si Tita Jen ay hindi pa rin siya nakakapasok. But then I believe na kaya pa rin habulin ni Dan ang grades niya, I know that so.

"Eh kayo, kamusta naman kayo?"

Napalingon ako kay Mara, "Bakit mo naman natanong?"

"I don't know, kasi nga sa nangyari na bigla hindi naman kayo magpapaapekto di ba?"

"Bakit naman kailangan namin maapektuhan?"

But the truth is, we rarely talk to each other, alam ko naman na marami siyang inaayos, na ngayon ay tuwing gabi na lang siya makakatawag sa akin, kung minsan ay hindi pa nga pero pilit ko iniintindi, what he went through is not easy, ang magkaroon ng biglaang responsibilidad sa batang kapatid niya, kaya rin doble kayod siya ngayon sa trabaho dahil kung ano man ang naiwan na ipon ni Tita Jen ay halos maubos rin dahil sa hospital bills at ibang bayarin.

"Kung sabagay ikaw nga ang pinakamalaking naitulong kay Daniel, hindi ka umalis sa tabi niya all through out." Sabi ni  Mara. "Para kayong damsel and prince charming pero siya ang in distress at ikaw ang knight niya."

Hindi ko na naintindihan pa ang iba niyang sinabi ng makita ko ang pamilyar na pigura ang nakasandal sa locker ko.

"And speaking of your prince charming in distress, ayan na nga siya." Dinunggol pa ni Mara ang balikat ko.

"Hi." Alanganing ngiti ko ng makalapit kami kay Dan.

Humarap siya sa akin with a small smile at tumingin rin kay Mara.

"Uh-alright makikiraan lang may kukunin lang ako." Pumagitna sa amin si Mara at mabilisan na may kinuha sa locker niya. "Sige ah maiwan ko muna kayo. Hindi naman ako manhid, I know you two wants to talk."

"Mara..." Pigil ko sa kanya ng aktong aalis na siya.

"Ano? Dyan lang ako kausapin ko lang mga kaklase natin." Tuluyan na siyang umalis at lumapit nga sa ibang kaklase namin hindi kalayuan.

"Kathy-"

Napaatras ako ng isang hakbang ng lumapit sa akin si Dan.

Something crossed his eyes na agad ko rin pinagsisihan. "Sorry."

I stood still in my place at napayuko. "Sorry."

"Naiilang ka ba sa akin? Because of what-"

"Buti naman nakapasok ka na. I'm worried kasi na baka mahirapan ka makapaghabol." Looking at him right now, I realized kung gaano ko siya na-missed pero hindi ko alam kung paano ko ipapakita kung ganitong naiilang ako sa tuwing magtatama ang mga mata namin.

He sighed. "Gusto lang kita makita muna bago ako pumasok."

Napaangat ako ng tingin sa kanya and took a step forward to him. "G-gusto rin naman kita ma--makita."

May inilabas siya mula sa backpack niya. "Gusto ko rin ibigay sa'yo 'to."

Napalunok ako ng abutin mula sa kanya ang isang stem ng sunflower. "Thank you." It was covered with clear plastic para hindi siya maapektuhan ng allergies niya.

When You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon