PUMASOK ako ng apartment ni Marion at nalukot agad ang mukha ko sa tumambad, ang gulo ng buong bahay ang dami rin nakakalat na kung anong pinagkainan , box ng pizza at kung ano-anong take out.
Dumiretso ako sa kusina and as expected madami rin hugasin sa lababo. Ibinaba ko sa counter top ang dalang plastic bag na may lamang lutong pagkain and groceries, pinadala ito ni Mommy para kay Marion. Naubos na kasi ang stock niya, so much for wanting to be an independent. Napailing na lang ako sa sarili.
"Miss Katherine maglilinis na po kami." Paalam ng isa sa dalawang kasambahay namin na kasama ko para mag-linis sa apartment.
"Sige po, unahin niyo na po muna sa kwarto para maayos ko muna itong mga dala ko."
I open the fridge and sorted out kung alin ang mga dapat ng itapon at inilagay ang mga dala ko. Nag-iwan na rin ako ng notes at idinikit sa pinto ng fridge para mabasa ni Marion, he's out para sa practice ng banda, may tugtog kasi sila mamayang gabi at ngayon ay nasa bahay sila nila Jace para doon muna mag-practice so it means kasama niya si Dan ngayon. Napatingin ako sa bintana kung saan tanaw ang simpleng bungalow sa tapat na tinitirahan ng pamilya ni Dan.
Napangalumbaba ako sa window sill and sigh dreamily while thinking of Dan. Ang lala mo na Katherine.
Nakita kong lumabas mula sa mababang gate si Tita Jen na may dalang black garbage bag at inilagay sa basurahan sa gilid ng kalsada. Napakunot noo ako ng mapansin na parang may kakaiba sa kilos ni Tita Jen, mukha siyang matamlay.
Napadiretso ako ng tayo ng bumuway ang lakad niya, lumabas agad ako ng apartment at tumawid para lapitan siya. "Tita Jen! Ayos lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong ko, tsaka ko nakita ang pamumutla niya sa malapitan.
"Oh Katherine andito ka pala. Ayos lang ako medyo nahilo lang."
Inalalayan ko siya papasok at ako na rin ang nag-sara ng gate. "Magpahinga na po muna kayo."
"Salamat hija."
"Ate Kathy!" Salubong ni Erin sa akin pagpasok namin ng bahay, she's holding a book.
"Hi Erin! Wow hilig mo talaga ang pagbabasa no?" Bati ko sa kanya.
"Opo pero hiniram ko lang ito sa classmate ko pero sabi po ni Kuya ibibili niya ako."
"Patingin nga." Kinuha ko mula sa kanya ang libro, it was the first book of Percy Jackson series. "Hmnn... Alam mo ba na binasa ko din ito nung bata ako?"
"Talaga po?"
"Oo tsaka yung Harry Potter."
Kumislap ang mga mata ng bata, "Wow!"
"Kaya lang nanghihinayang ako sa mga libro kasi nakatambak na lang sa bahay. Gusto mo ba sayo na lang?"
"Talaga po?!" Nanlaki ang mga mata niya sa galak.
"Talagang talaga!"
She grinned at me, the same smile her brother has. The same eyes that looks at me.
"Hija magmeryenda ka muna." Nagbaba ng isang baso ng juice at cookies si Tita Jen sa center table.
"Salamat po. Pero magpahinga po muna kayo mukhang hindi talaga maganda pakiramdam niyo."
"Opo Ate Kathy, nagsuka nga po kanina si Mama."
"Erin!" Saway agad ni Tita Jen rito.
I gasped. "Alam po ba ito ni Dan?"
Nanlaki ang mga mata niya ng bumaling sa akin. "Huwag mo na lang banggitin kay Daniel hija, pakiusap lang ayoko ng madagdagan pa ang alalahanin ng anak ko."
BINABASA MO ANG
When You Were Mine
FanfictionL-O-V-E series #2 He left without any reason and now he came back without giving any. Would things go back to what they used to be? Would you accept the same person who hurt you the most? Would you give a second chance to your heart and take a risk...