Chapter 25

14.2K 354 90
                                    

a/n: Dan before and after timeskip ;)

-----

"RELAX Kathy! Don't get too flustered." Pagkausap ko sa sariling reflection sa salamin. "Damn it! What is he doing in there?"

Naghugas ako ng kamay sa lababo, napadiretso ako kanina ng banyo sa hindi ko inaasahan na madatnan sa sala ni Marion. I mean who wouldn't right?

Inhale. Exhale. "Go Kathy!"

Paglabas ko ng kitchen ay naabutan ko si Daniel who was now sitting in front of Marion by the countertop dividing the kitchen and the living room.

"Okay ka na?" Nakangising tanong ni Marion ng makalapit ako sa kanya. "Kalmado—umph!"

Hindi na niya natuloy ang sasabihin ng ihampas ko sa tyan niya ang hawak na envelope. "Pinadala ni Daddy, nakalimutan mo raw kailangan ng pirma mo." I said sternly but keeping a smile on my face.

Nahimas ni Marion ang nasaktang tyan. "Kumain ka na?" He asked instead.

"Hindi pa."

"Tsk! Palagi ka na lang nagpapalipas ng kain. Diet ka ba?"

"Hindi ako diet, baliw to." I rolled my eyes at him and doing so I accidentally landed my eyes at Daniel who was watching us silently.

I licked my lips trying to look passive as I can. "Did you do that?" Baling ko kay Marion at tinuro ang putok sa gilid ng labi ni Daniel at naguumpisa ng mangitim.

"Yup! Ayos ba?" Tumaas baba pa ang kilay na sagot ni Marion.

Napairap ako. "At proud ka pa ah? Good." I patted his back.

Napatayo si Marion ng may mag-doorbell. "Ako na."

Muntik na ako mag-protesta ng umalis si Marion para pagbuksan ang kung sino man na nasa labas. Nakasunod lang ako ng tingin sa kapatid at hindi alam kung saan ibabaling ang mga tingin.

I heard Daniel sigh kaya napatingin ako sa kanya and our eyes locked.

"Ah! I'm so hungry na." Tinalikuran ko siya at binuksan ang refrigerator para maghanap ng kahit anong makakain at dahilan para hindi ko harapin ang taong ramdam kong nakasunod ng tingin sa akin.

"Hoy Katherine! May naghahanap sayo." Malakas na sabi ni Marion.

"Huh? Sino?" Napaharap ako na may kagat-kagat na mansanas.

"Si Justin. Nililigawan ka ba nun?" Nakakunot noo na sabi niya.

"Bakit naman?"

"Gabing gabi nandito at talagang pinuntahan ka pa dito sakin." Nakasimangot na reklamo niya.

"Problema mo? Ikaw ba pinuntahan?" Pinameywangan ko ang kapatid.

"Hoy Kathy, sinasabi ko sa'yo hindi pa ulit kita pinapayagan magpaligaw!" Pahabol ni Marion ng talikuran ko sila.

"Yeah yeah! Whatever!" I waved him off.

Paglabas ko ng gate ay naabutan ko si Justin na nakasandal sa sasakyan niya.

"Ginagawa mo dito?" Salubong ko agad sa kanya.

"Naiwan mo." Initsa niya sa akin ang phone ko, buti na lang rin at nasapo ko. "Dinala ko sa office mo kaya lang sabi nakaalis ka na at nandito ka nga raw so I came here."

Napakunot noo ako. "You didn't came all the way here just because of my phone right?"

Umiling siya. "May gusto sana ako sabihin kanina pa but I don't know how."

When You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon