Chapter 56

13.5K 370 69
                                    

*not proof read*

-----

"IS THIS still necessary?" Tanong ko kay Dan ng ipasok niya ang sasakyan sa mataas na gate at tahakin ang mahabang driveway.

"Yes, for my peace of mind." Huminto kami sa harap ng malaking bahay, scratch that, it was a mansion.

After our second meeting with Atty. Guzman kung saan ay official nang inilipat ang mga naiwan ni Tita Jen sa pangalan ni Dan ay bigla na lamang ay ginusto ni Dan na puntahan ang Lolo niya dahil sa ginawa nitong pagharang sa dapat ay dati pa nilang paguusap ni Atty. Guzman, kaya ngayon ay nandito kami sa harap ng malaking mansion ng kanyang Lolo.

Pagpasok namin sa malaki at mabigat na front door ay sinalubong kami ng mga  kasambahay na nakapila.

"Magandang araw po Sir Daniel." Yumukod ang mga ito sa kanya which surprised me on how they treated him na kailangan yukuran. Is this how they are in this household? No wonder umalis si Dan at pinili bumukod.

Dire-diretso lamang si Dan sa paglalakad at ni hindi sila tinapunan ng tingin habang hawak ako sa kamay.

"Sir Daniel, may—may kausap po ang Lolo niyo sa opisina niya." Pigil sa amin ng isang kasambahay nang mapansin na patungo kami sa nakasarang pinto sa ibaba ng grand staircase.

"I don't care, kailangan ko siya makausap." Without bothering to knock ay binuksan niya ang pinto kaya walang nagawa ang kasambahay kundi yumukod at iwan kami.

We were greeted with four people inside the room, one face is too familiar, Michelle.

Nanlaki ang mga mata niya ng magtama ang mga tingin namin at agad siyang yumukod para umiwas ng tingin.

"What's this meeting for?" Napakunot noo na sabi ni Dan nang isa-isahin niya ang mga nasa loob ng kwarto. Umpisa sa Lolo at ama niya and the other middle aged man na kung matatandaan ko sa party ay ang Daddy ni Michelle.

Taas noong ngumisi sa amin ang Lolo ni Dan. "Isang importanteng usapan at dahil nandito ka na rin, you should join us, seeing as this pertains to your future—"

"If this is all about that bullshit of a marriage na gusto mong sundin ko, no thanks. I didn't come here for that." Putol ni Dan dito at humigpit rin ang hawak niya sa kamay ko.

"Then why are you here then?" Hindi naaalis ang ngising tanong niya.

"Para pag-usapan ang tungkol sa Mama ko at kay Atty. Guzman." Dire-diretsong sabi ni Dan. Na nagpawala sa ngisi ng Lolo niya.

Hindi nawala sa paningin ko ang reaction ni Tito Rowell na para bang hindi siya nabigla at inaasahan na niya ang komprontasyong ito na agad rin niyang itinago sa pamamagitan ng poker face.

"I believe you wouldn't want your guests to hear what I wanted to say." Hamon ni Dan sa abuelo.

Nag-igting ang mga bagang nito before dismissing the other two guests.

Tumayo na sina Michelle mula sa upuan, she even tried to catch my sight but I kept my eyes in front not willing to look at her hanggang makalabas sila ng kwarto.

"You blackmailed Atty. Guzman, hinarang mo lahat ng means na ma-contact ako, na nalaman ko na may mga naiwan sa amin si Mama, inalis mo sa akin ang karapatan na makuha ang para sa amin ng kapatid ko na pinaghirapan ng Mama ko." Mahabang simula ni Dan na nagiigting ang mga panga.

"Stop accusing me." Tigas na sabi ng Lolo niya.

"I am not accusing you! Because I know it's the truth. Hinarang mo si Atty. Guzman, ginamit mong oportunidad ang pagkakasakit ni Erin para magipit kami at lumapit ako sa'yo at mapilitang bumalik sa pamilyang ito because you know na hindi ko matitiis ang kapatid ko and you know how much I hate this fucked up family para piliin kong bumalik for her sake!" Humigpit lalo ang pagkakahawak ni Dan sa kamay ko that I am quite sure na wala ng maayos na dugong dumadaloy rito.

When You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon