Chapter 72

13.7K 302 37
                                    

a/n: credits for the picture i used sa taas. Hindi ko alam if sino nag-edit o may ari kaya hiramin ko po muna. Thank youuu!

-----

"GRABE oh, para ka lang nakalulon ng pakwan." Sabi ni Mara habang hinihimas niya ang tyan ko nang lumapit kami sa table nila. We were having our baby shower right now kaya naman nagi-ikot ikot kami while si Dan naman ay sa kabilang table.

"Oo nga, bakit ang sexy mo pa ring buntis ha, Kuting?" Dagdag naman ni Justin mula sa laptop, through web call. Hindi kasi siya nakauwi mula Paris for our baby shower kaya naman he make sure na kahit online ay makaka-attend siya.

My lips twitched. "Sexy ba talaga?"

"Bakit ganyan ichura mo?" Hinila ako ni Mara paupo sa bakanteng upuan sa tabi niya.

"Bakit ano ba mukha ko?"

"Samin ka pa talaga magtatago?" Sabi naman ni Justin. "Just spill it."

"What to spill?" Medyo hininaan ko ang boses. Kahit naman sa medyo sulok pumwesto si Mara ng table at kami lang rin ang nasa mesa, ayoko naman na may ibang makarinig at mag-assume sa pinaguusapan namin.

"Nag-away ba kayo ni Daniel?" Tanong ni Mara.

"No." nilingon ko ang asawa na nasa kabilang table kasama sina Marion at nagtatawanan sa kung anong usapan nila.

"Nambabae?" Sabi rin ni Justin.

"What? No! Subukan niya lang." I shot a glare at Dan na walang kamalay malay.

"Eh ano nga?" Sabay na pilit ni Mara and Justin.

"Wala! Ano lang—kasi..."

"Spill!" Malakas na sabi ng dalawa dahilan para makuha ang atensyon ng asawa ko.

Papunta na sana siya sa akin with a worried look pero sumenyas ako sa kanya na huwag na and we're okay. He stops on his track at bumalik sa pagkakaupo but kept his eyes on me.

"Ang ingay niyo!" I whisper yell at them.

Nag-act si Mara na nag-zip ng lips.

"So ano na nga?" Kulit naman ni Justin na medyo hininaan na ang boses.

"I'm six months pregnant." Umpisa ko.

"Obvious naman, ayan nga oh may pakwan ka na."

"Just...don't laugh at me!" Inunahan ko na sila.

"We won't."

"Promise!"

"Remember when I had spotting nung 3rd month ko? My OB advised us to abstain while bleeding pa ako kasi baka daw yun ang isa sa reason why I bled."

"Ok, I think I know na kung saan to pupunta." Sabi ni Mara.

"He's avoiding me! I'm not after sex, I'm not a sex maniac naman no but really kasi iniiwasan niya ako. Every time na kakagaling ko ng shower lumalabas siya, he won't even give me a glance and he can't even kiss me properly!"

"In short tigang ka?" Sabi naman ni Justin.

"That's not what I meant...I was thinking, what if he don't find me attractive anymore because look at me, ni hindi ko na nga nakikita legs ko when I look down."

"Girl nakikita mo ba sarili mo? Pregnancy suits you, ang sexy mo kaya medyo nakaka-insecure na nga eh kasi naman buntis ka pa ng lagay na yan ah." Ani Mara. "At yung tanong mo na what if Daniel doesn't find you attractive anymore kasi malaki tyan mo, fyi nakatitig ngayon sayo ang asawa mo na parang gusto ka i-devour ng buong buo."

When You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon