EPILOGUE

24.9K 358 96
                                    

a/n: first of all magdadrama muna ako. Gusto ko lang mag-thank you sa inyong lahat kasi napagtyagaan niyo ng mga stories ko mula pa lang sa Four Letter Word hanggang dito. Sobrang thankful ako, kilala ko kayo yung mga nacocomment, i know you by usernames, sa twitter mga reactions niyo nababasa ko, stalker niyo ako di niyo lang alam, kaya thank you ulit ng madaming madami! Kahit ang tagal ko mag-update kaya sorry na po talaga! 😭🙏🏼
Also, feel ko lang i-share kasi, this gotta be the longest chapter na nagawa ko ever! 12 pages in MS word, normally kasi 5-7 pages lang nakakaya ko and now omg! I feel proud kasi naka 6k words ako hahah! Though feeling ko nonsense ibang mga salita. Maidagdag lang ba. Anyway, yun lang shinare ko lang.
Meron pala nagtanong sa akin before, not sure kung nasagot ko siya but to answer you now, yes meron po ako magiging bagong story but as of now planned pa lang siya. I will post it right away once na maumpisahan at ma-establish ko na magiging flow ng story and no, the story will be a stand alone. It will not be connected to FLW and WYWM pero syempre KN fanfic pa rin.

a/n2: nagsumbong pala sakin si Dan kasi grabe daw kayo sa kanya sa last chapter tinawanan niyo pagkabitin at tigang niya! Dahil dyan babawi daw siya kaya bawal po sa bata. WARNING: SPG

-----

"THAT would be all gentlemen. Meeting adjourned." Isinara ko ang hawak na folder at ang laptop sa harap ko bago hinarap si Marion na katabi ko.

"Ikaw na lang muna ang humarap kay Mr. Garcia."

"Hindi ka sasama? He was expecting you sa meeting."

Umiling ako at napatingin sa relo. "Baka magtagal eh I have to leave at 4pm, susunduin ko pa yung kambal sa school."

"Oh, nag-start na sila?"

"Yeah, hinatid namin sila ni Dan kaninang umaga. Can you believe it? Ang bilis nila lumaki." I can't help but feel nostalgic, parang dati lang buhat buhat ko pa sila at sabay na bine-breastfeed ngayon hinahatid ko na sila sa school.

"Nag-first day of school na sila. How old are they?"

"Four, they're turning five in two months."

Marion grinned at me. "Magugulat ka na lang may nililigawan na si Sammy."

"What?! No! Hindi pwede! He's my baby boy!" Parang hindi ko pa kayang isipin na magkakagusto na sa ibang babae ang baby Sam ko. Hindi pwede, itatago ko siya. "He's not allowed to have a girlfriend until 30."

Tinawanan ako ng kapatid. "What about Isabel? Paano kung ligawan na siya?"

"Dan said she's not allowed na ligawan until 35."

Lalong lang ako nitong tinawanan. "Para kayong baliw mag-asawa samantalang kayo nga patago pa kayo naging mag-jowa." He scoffed.

"That's a different thing!"

"How different?"

"We're in love."

"And how sure are you na hindi mai-in love si Isabel at a young age? What if she met someone at the age of 16 like you?"

"True love yung samin ni Dan. Great love."

"And how will you know na baka great love din ni Isabel yun?"

Napapisil ako sa pagitan ng mata parang biglang sumakit ang ulo ko just thinking of my baby girl na nililigawan more so ay magkaroon siya ng relasyon, at paano nga kung itago sa amin like what we did—

"Would you rather na paglihiman kayo ng kambal just because they will think na you wouldn't approve." Marion voices out yung mismong naiisip ko. "Aba, ang hirap kaya mapagtaguan. Based on experience lang naman."

When You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon