Chapter 20

12.6K 255 45
                                    

"HAPPY birthday!"

May sumabog na confetti sa harap ko pagkapasok ko sa apartment ni Marion. Inikot ko ang paningin sa paligid and saw everyone was here. Si Mommy Kath, Daddy DJ, Dan, Marion, Erin, my best friend Mara, Russel and Jace at ilan ko pang kakilala na mga importante sa akin.

No wonder wala akong ma-contact kahit isa sa kanila after my class dahil nandito silang lahat. It was all planned! Kaya rin ako inutusan ni Marion na pumunta dito sa apartment niya.

"Oh my gosh! You're all here, kaya pala hindi ko kayo ma-contact lahat." Isa-isa ko sila nilapitan to hug them as they greet me happy birthday.

"Happy birthday Kathy." Hinalikan ako sa pisngi ni Tita Julia, Mara's mom.

"Thanks Tita Juls, how was your vacation in Germany with Tito Red?"

"It was great, thanks! So are you ready for your party next week?"

I gasped. "Oh that! Oo nga pala may party pa next week."

"You should get used to parties lalo pa kapag nagtrabaho ka na sa company ng Daddy and Tito Red mo."

Napailing ako. "I will, I guess."

"Kathy! Happy happy birthday best friend!" Niyakap ako ni Mara pagkalapit sa akin.

"Thank you! Pero wala ka man lang warning sa akin with this surprise?"

"Kaya nga surprise, duh!"

Napakibit balikat ako. "Well tama naman."

"At hindi naman ako ang nag-plan nito. This was all your Daniel's idea." She nodded at Dan's side kung saan kausap niya si Daddy and Mommy.

Lumapit ako sa kanila, hugging Dan from behind. "This was your idea?"

Nilingon niya ako at umakbay sa akin paharap kay Daddy at Mommy. "Alam ko naman kasi na ayaw mo ng grand party so since next week pa iyon, naisip ko na bigyan ka ng simple party like what you really wanted."

"Thanks!" I kissed his cheek bago bumaling sa mga magulang. "Thank you Mom, Dad."

Daddy DJ shrug his shoulder. "Sumunod lang ako sa idea ng boyfriend mo."

"You love surprises din naman kasi." Mommy Kath hit his shoulder. "Ginawa mo din sakin to before."

"Ganun naman kasi talaga dapat itrato ang babae lalo pa kung mahal mo."

I sighed smiling when Daddy DJ kissed Mommy Kath on top of her head.

"Yo! Sis! Happy birthday!" Hinila ako ni Marion and hug me tight.

"Gift?" Inilahad ko ang kamay sa kanya.

He rolled his eyes. "Agad? Sa mismong party mo na ibibigay ko."

I grinned. "I-sure mo yan ah?"

"Oo naman, ibabalot ko si Daniel para sayo."

Hinampas ko si Dan sa balikat ng tumawa siya sa sinabi ng kapatid.

"Where's Erin pala?" Hanap ko sa kapatid niya.

"Ayun oh nakikipaglaro kay Russell." Tinuro niya ang kaibigan kung saan nakikipag-habulan kay Erin sa bakuran.

"Let's eat na pala for sure gutom na kayo." Aya ni Mommy at giniya na kami sa buffet table.



"WHERE'S Dan?" Tanong ko kay Jace ng makita ko siya na nakikipaglaro kay Russell at Erin.

"Ewan, hanapan ba ako ng nawawalang boyfriend?"

Inirapan ko siya sabay hampas ng malakas sa balikat niya. "Nagtatanong lang!"

When You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon