Chapter 43

20.8K 394 73
                                    

a/n: not proofread.

-----
"ANONG ginawa mo kay Daniel?"

Natigil ako sa mga pinipirmahan na papers at nag-angat ng tingin kay Marion na kakapasok lang ng opisina ko. "What?"

He took a sit in front of my desk. "He's in a bad mood."

"Wala akong ginagawa sa kanya." Nagbaba na lang ako ng tingin at tinuloy ang ginagawa.

"Wala ba talaga?" He rubbed his chin.

"What do you want?" Napairap ako.

"May meeting kanina at ako ang pinadala ni Daddy and Daniel seems very distracted? I don't know ah kasi okay naman siya nung umaga magkausap kami sa phone then pagpasok niya pa lang ng conference room hindi na agad maipinta mukha. He even scold his poor secretary." Napapalatak na kwento niya.

"How is it my fault then?" Ibinaba ko ang hawak na pen. I don't think I can go back to work now with my brother in this room.

"Baka lang kasi galit sa kanya ang pinaka-boss niya." He shrugs.

"Sino?"

"Boss ni Daniel." Itinuro niya ako.

Napairap ulit ako sa kanya. "Wala akong ginawa sa kanya. Siya lang naman yung..." napabuntung hininga na lang ako.

"So meron nga?"

"It's not me, okay?"

"Tsh, ayusin niyo nga yan." Tumayo na siya.

"Why me?"

"Kita mong baliw nga sa'yo, hindi makapag-trabaho ng maayos kasi hindi kayo okay."

Napalabi ako. Hindi naman ako nang-away ah.

"I have to go, may pupuntahan pa akong site." Lumapit siya sa akin and kissed the top of my head bago lumabas ng office ko.

Napasandal na lang ako sa swivel chair at tumitig sa ceiling, thinking over what happened this afternoon nang maglunch kami ni Erin.

Is if my fault? Okay, I admit I'm a little insensitive when I asked him to talk to his father when I know about his issues pero gusto ko lang naman na maayos sila, ayoko lang na may nakatanim na galit si Dan sa puso niya.

Napabuntung hininga na lang ako, it's just a little misunderstanding but then it affects us na kahit trabaho namin ay naaapektuhan.

PABALIK-BALIK ako sa kwarto clutching my phone. I haven't talk to Dan since this afternoon, not like ayaw ko siya kausapin o tawagan pero hindi niya rin kasi ako sinusubukan i-contact. Should I call first? Pero siya yung nagalit, hindi ba dapat ay siya rin ang unang mag-approach sa akin.

Napabuntung hininga ako at nahiga sa kama. "Tama naman di ba?" Pagkausap ko sa sarili habang nakatitig sa phone ko nang bigla itong mag-ring, sa pagkagulat ay nabitawan ko iyon at bumagsak sa mukha ko.

"Ouch! Damn it!" Napahawak ako sa nasaktang ilong at hinagilap ang phone ko na patuloy sa pagtunog. "Hello?"

Walang sumagot sa kabilang linya but I can hear his breathing on the other line.

"Dan..."

"I'm sorry..." Sa wakas ay sabi niya. "Sorry, hindi ko dapat binunton sa'yo yung galit ko. I'm sorry, love."

Parang piniga ang puso ko pagkarinig sa boses niya. "I'm sorry din, I was too insensitive. Hindi ko dapat kinumpara ang sarili ko sa'yo, kung ano ang dapat mong gawin dahil magkaiba tayo. You were right, I grew up in a family different than yours kaya hindi ko naisip ang nararamdaman mo."

When You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon