"CONGRATULATIONS Kathy!" Niyakap ako ni Mara, my cousin slash best friend.
"Congratulations din!" Gumanti ako ng yakap sa kanya.
We just graduated at next school year ay first year college na kami, exciting but at the same time ay kabado dahil panibagong environment na kami hindi na lang petiks. At ngayon nga ay nandito kami sa garden namin kung saan mayroon maliit na salo-salo na hinanda sila Mommy and Daddy.
"Ayan na Prince Charming mo." Bulong niya.
"Huh?"
Instead of answering she turned me around and I was greeted by Marion pero ang mata ko ay si Dan agad ang nakita na kasama niya.
"Congrats baby sis!" Ginulo ni Marion ang buhok ko kaya tinampal ko agad ang kamay niya. "Sungit!"
"Gift ko?"
"Dala ko syempre."
My face glow, "Talaga?"
"Oo naman teka lang." There's an obvious mischief in his eyes. "Daniel--"
Sinuntok ko siya sa sikmura, sabi na iinisin na naman niya ako kay Dan.
"Aah! Sakit nun ah? Bakit ba?"
"Ewan ko sayo!"
He grinned, "Ano ba problema eh ipapaabot ko lang naman kay Daniel yung regalo ko? Siya kasi may hawak."
And like what he said ay may hawak nga na nakabalot na box si Dan na inabot niya kay Marion, napaismid ako kasi obvious naman na nananadya ang kapatid ko pero nakakainis kasi masyado na ako nagpapahalata.
"Ano?" Sabi ni Marion ng ibigay niya sa akin ang regalo.
Kinuha ko mula sa kanya ang regalo at binuksan, nanlaki ang mga mata ko pagkakita ng laman. "Seriously?" Tiningnan ko si Marion.
"Of course."
"Aaah!" I squeal and hugged him, "I love you kahit bully ka." It was the latest phone released on market and he got me one.
"And mind you it's my own money hindi ko hiningi kay Mom and Dad." He pats my back.
"Wow! Thank you!"
Lumapit sa amin si Mommy Kath. "Everything's good here?"
"Look Mom, Marion got me a new phone." Ipinakita ko ang hawak.
"Nice! Nakatipid pala ako." Singit ni Daddy DJ na automatic na lumanding ang kamay sa bewang ni Mommy Kath.
Hinampas siya ng mahina ni Mommy, "That's great anak and please call him Kuya."
Napanguso ako, "Don't want to."
"Bastos talaga tong batang to." Reklamo ni Marion tsaka ako dinunggol sa balikat.
"Daniel buti nakarating ka, kumain ka na ba?" Pansin ni Mommy kay Dan na nakangiting pinapanood lang kami.
"Ah hindi pa Tita, kakarating lang namin."
"Well Kathy asikasuhin mo ang bisita mo at pakainin mo."
Napalunok ako, "Right! Ah Dan halika kumain ka na." Alanganin ko siya hinawakan sa braso para igiya sa buffet table. "Si Tita Jen pala and Erin bakit hindi sumama?"
"Nakakahiya naman kung isasama ko ang buong pamilya ko dito."
"No! It's alright hindi naman na sila iba besides I know for sure na madalas din makikain si Marion sa inyo kapag nasa apartment siya." Inabutan ko siya ng plate at ako na rin naglagay ng pagkain.
"Kapag weekdays lang naman."
"Eh kasi umuuwi siya dito ng weekend, kapal talaga ng mukha."
He chuckle. "Congratulations pala."
BINABASA MO ANG
When You Were Mine
FanfictionL-O-V-E series #2 He left without any reason and now he came back without giving any. Would things go back to what they used to be? Would you accept the same person who hurt you the most? Would you give a second chance to your heart and take a risk...