Chapter 8

13.4K 342 23
                                    

a/n: not proofread :)

-----

PAGPASOK ko ng bahay ay malakas na tugtugin ang sumalubong sa akin galing sa nakabukas na pinto ng basement. I sigh, as usual nakalimutan na naman nila isara ang pinto bago mag-practice.

Dumiretso ako sa basement para puntahan sila na nagpapractice. Marahil ay para sa gig nila this Saturday na gaganapin kina Russell. Pagkakita nila sa akin ay huminto sila sa ginagawa, mukhang hindi pa naman sila naguumpisa, they were still tuning their instruments.

"Hindi niyo na naman sinara ang pinto, ang ingay niyo." Reklamo ko at naupo sa couch na kinauupuan rin ni Dan.

"Si Daniel--"

"Hindi ako huling pumasok, si Jason." Putol agad ni Dan kay Russell tsaka niya ito binato ng guitar pick.

"Manuod ka na lang sa practice namin Kathy at ikaw ang judge kung ayos ba." Sabi ni Marion na may hawak na gitara.

"Nasaan pala si Mara?" Tanong agad ni Russell.

"May practice ng volleyball."

I feel Dan's leg na dumikit sa akin subtly so no one noticed it.

"Oh start na muna tayo!" Sabi ni Jace na nakaupo sa likod ng drum set.

Dan groaned at napilitan na tumayo para magpunta sa makeshift playform kung nasaan ang mic stand and pick up his bass guitar.

"Ready?" Tanong ni Dan after niya i-check ang mic. He threw me a look and give me a small smile just enough for my heart to somersault.

I'm used to watching them play lalo pa at madalas sila dito mag-practice at nanunuod ako but somehow today is different maybe because it's Dan, may bago na sa amin kahit itinatago namin sa lahat ang relasyon namin ay ramdam ko pa rin ang pagkakaiba ng mga tingin niya. Pati na rin ang pasimpleng pagtingin niya sa akin habang kumakanta siya at tumutugtog ang buong banda, hindi ko mapigilan na hindi mangiti sa sarili ko.

After their first set ay nagpahinga muna sila. Kumuha ako ng bottled water at lumapit sa kanila, inabutan ko si Dan at pati na rin si Marion para hindi mahalata. "Great job. Parang kahit hindi na kayo mag practice magaling na kayo."

"Eto kasing si Daniel mukhang good mood at inspired." Inakbayan ni Russell si Dan at kumindat siya sa akin ng nakangiti.

Napakunot noo si Dan sa kanya at inalis ang braso nito sa balikat. "Ako na naman nakita mo."

"Totoo naman parang may iba sa aura mo these past few days. May inspirasyon ka ba ngayon?" Dagdag ni Jace.

Tinapunan ako ng tingin ni Dan at uminom ng tubig imbis na sagutin sila.

"Sasama nga pala si Myra sa atin sa amin." Nakangising sabi nj Russell.

"Eh kaya naman pala." Tinapik ni Jace sa balikat si Dan.

Napanguso ako, bakit kailangan na lagi na lang nasisingit sa usapan si Myra? At bakit ba pinupush nila ito kay Dan? Ilang beses naman na niyang dineny na may something sa kanila. Pero wala nga ba?

"Bakit daw sasama?" Tanong ni Marion.

"Ewan gusto niya eh alangan naman na tumanggi ako." Kibit balikat ni Russell.

"Baka babantayan si Daniel at baka may mga umaligid daw na mga babae." Tumatawang sabi ni Jace.

Yung pagkakasalubong ng kilay ko permanent na yata. Napatingin sa akin si Dan pero inirapan ko lang siya.

"Tigilan niyo na nga ako kay Myra. Wala ngang kami." Naiiling na saway ni Dan sa mga kaibigan.

Sa sobrang inis ko ay hindi ko namalayan na iniisa-isa ko na palang alisin ang mga petals ng sunflower na nakalabas mula sa bag ko.

When You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon