Chapter 39

16.4K 409 57
                                    

NAKAHIGA ako sa kama at nakatitig sa kisame, clutching my phone to my chest. Kinuha ko ang isang unan at itinakip sa mukha para sumigaw.

"Aah! Nakakainis!" Sinuntok ko ang hawak na unan bago initsa sa gilid. "Singapore? Singapore? Dyan ka na lang, huwag ka na babalik! Magsama kayo! Magsama kayo ni—ni Myra mo! Bwisit!"

Kinuha ko ulit ang initsang unan at pinagsusuntok, imagining it was Dan's face.

I remember the conversation I had with Erin kanina nang puntahan niya ako sa office asking me to have dinner with her.

"Ate Kathy, which school should I go?" Tanong niya habang nasa isa sa mga restaurant ng hotel nila kami at nage-early dinner.

"You're enrolling here?"

Nagkibit balikat siya. "Kuya Daniel told me na dito na lang daw ako mag-tuloy ng high school wala na rin naman daw ako kasama kung babalik ako ng US."

"Much better nga siguro kung dito ka na lang mas mababantayan ka pa ng Kuya mo."

"I want sa school mo dati Ate Kathy."

"Kung gusto mo, why not?"

"But Kuya Daniel want to enroll me in an all girls school." Nakalabing sabi niya.

Hindi ko napigilan na matawa. "He's just that, very protective. Ayaw lang nun maligawan ka."

"It's not like magpapaligaw naman ako besides what's better ba? Ligawan ako ng boys or girl?"

"What?"

Nagkibit balikat siya at tumuloy ng pagkain. "That's how it is naman po di ba? Sa all-girls school minsan yung iba nagiging attracted na rin sa kapwa girl nila."

"Well, it's a matter of preference pa rin naman." Napakibit balikat ako, I know it is possible though. "So... How's your Kuya pala?" Hindi ko mapigilan na itanong.

"He went to Singapore di ba po?"

Tumango ako. "Yun ang paalam niya."

"He called me yesterday, may mineet daw siya na client and possible investor and after that he'll proceed to the seminar na."

My lips twitched, buti pa kay Erin nagawa niya magreport pero sa akin, wala talaga? Kainis ah.

"He keep on asking me nga po tungkol sa'yo Ate Kathy."

Napaangat ako ng tingin. "Really?"

"Yes po, he said bantayan daw po kita. Bakit kita babantayan? Aalis ka din ba?"

Napakagat labi ako, talagang papanindigan niya yang giving space na yan pero may pagbantay?

"This seminar, how long will it take?"

"He said he'll be gone for two weeks daw po. Pero I don't know tsaka po hindi naman siya mag-isa doon. He's with other managers I think?"

"Managers?"

"Opo, four po yata yung mga kasama niya. Yung isa pa I think you know her."

"Her?" Napaangat ang isang kilay ko sa narinig.

Tumango siya. "College friend daw po sila ni Kuya Daniel so baka po kilala mo rin, she introduced herself pa nga po eh. Mil—Marl—"

"Myra?" Halos umabot na yata sa bumbunan ko ang kilay sa pagkakataas.

"Opo, Myra. Siya po yung manager ng isang hotel namin."

"I know." I said in gritted teeth. "Sabay sila umalis ng Kuya mo?"

Umiling si Erin, that somehow eased me. "Hindi po, nauna si Kuya Daniel dahil may imi-meet pa daw po siya na business partner muna and yung mga managers po kahapon lang umalis."

When You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon