a/n: bawal po sa bata. Tulog na! SPG
DAN
"SAAN KA ba galing?" Tanong ko agad sa asawa—syet ang sarap sabihin—nang makabalik siya sa presidential table namin para sa reception ng aming kasal. Nagpaalam kasi siya kanina na may pupuntahan daw o kukunin yata.
"Naiwan ko kasi kanina sa limo yung clutch bag ko so I have to get it pa." Nakangiting naupo na siya sa tabi ko at ipinatong ang gold clutch bag na tinutukoy niya.
"Hindi mo na lang inutos." I moved her hair na tumatabing sa balikat niya and plant a kiss on her shoulder.
Ngumiti lamang siya at inayos ang lapel ng coat ko. "I have to use the rest room din kasi and struggle yung gown ah ang hirap mag wiwi."
I chuckled at her cuteness, her nose scrunched. "I love you Mrs. Padilla." Hinalikan ko ulit siya sa collar bone.
"I love you too, my love." Sumandal siya sa balikat ko.
"You hungry? Eat ka na." Kinuha ko ang fork niya at sinubuan siya ng pasta.
"My feet hurts." Nakalabing sabi niya, ang cute cute parang baby. Nakakagigil.
"Take off your shoes." Yumuko ako sa ilalim ng table para tanggalin ang suot niyang high heeled pumps na hindi ko malaman kung paano niya nakukuhang ilakad. Iniharap ko din siya sa akin para maipatong ko ang legs niya sa lap ko and massage her feet.
"That feels good. Thank you love."
Nag-umpisa na siya kumain habang ako naman ay pinanood lang siya. I probably look stupid smiling to myself as I watched her.
"You don't like shrimp?" Pansin ko nang piliin niya lahat ng shrimp para nilagay sa plate ko at yung broccoli naman kinuha niya lahat para ilagay sa kanya.
Umiling siya. "You can eat them naman di ba? Sa fish ka lang allergic."
"Yeah."
"Hmm, kung may allergies ka sa fish hindi ka din ba pwede sa fishball?"
"Ha?" Napatanga ako dun, ano nga ba? "Hindi ko alam."
"I want fishball and kikiam." Nakalabing sabi niya bago sumubo ng broccoli. "Alam mo ba masarap yung kikiam sa harap ng Ford building? Pero favorite ko yung gawa ni Russell na sauce. Can you asked him na turuan ka how to make his sauce? Para ikaw na mag-cook for me."
"Uhh okay pero paanong biglang napunta sa kikiam ang usapan?"
Ngumiti at nagkibit balikat lamang siya at tinuloy ang pagkain. She also wiggled her toes para ituloy ko ang massage sa paa niya.
"Wait pala. What about sa flowers? Are you okay ngayon?" Alalang tanong niya dahil napapaligiran kami ng mga fresh sunflowers, her favorite flower.
"Nag-take ako ng antihistamine kanina." Though para pa rin akong sinisipon ngayon and my head kind of hurts pero kaya naman tiisin.
She leans and kissed my cheek. "Thank you. For this, for the dream wedding you gave me."
"Basta para sayo." Bumaba ang mga tingin ko sa labi niya at aktong hahalikan ko siya ng agawin ang pansin namin ng gay guy whose acting as the emcee.
"For our dear newly wed. Could you please come down here for the dance?" Iminuwestra niya ang dance floor.
Tumayo naman ako at inalalayan rin na makatayo si Kathy.
"Wait, my shoes—"
"It's okay. Mahaba yung gown mo they wouldn't notice kesa naman sumakit pa ulit paa mo."
BINABASA MO ANG
When You Were Mine
FanfictionL-O-V-E series #2 He left without any reason and now he came back without giving any. Would things go back to what they used to be? Would you accept the same person who hurt you the most? Would you give a second chance to your heart and take a risk...