Chapter 28

14.1K 378 85
                                    

"YOU'RE so pretty Ate Kathy." Nakangiting sabi ni Erin habang nagla-lunch kaming tatlo sa isang restaurant.

As much as I wanted to say no pero si Erin na kasi mismo ang nakiusap sa akin na sumama sa kanilang magkapatid sa lunch nila kaya napilitan ako umoo at hindi na rin makatanggi.

Halos buong lunch ay si Erin lang ang nagsasalita, ang dami niyang naikwento sa akin na naging buhay niya for the past years pati na rin ang pagkikita nila ulit ng kanyang ama at lolo. Sa kanya ko rin nalaman that they left for US para magpagamot siya.

"Mas pretty ka, look at you you're a grown up na. Baby lang kita dati." Sabi ko sa kanya, and it's true mas gumanda si Erin ngayon na nagdalaga na siya.

"Pero ngayon malapit na kita mas mataasan." She giggled.

Napangiti rin ako, as much as possible ay umiiwas ako ng tingin kay Dan who was seated right across me katabi ni Erin. "And I love your hair." Hindi ko mapigilan na purihin ang mahabang buhok niya na may natural na kulot sa dulo.

"Kasi nga Ate Kathy idol kita. I really like your shiny black hair before so I really grow it like yours. Kaya lang you cut your hair na pala." She eyed my now a medium length hair and it's now dyed in brown.

Napahawak ako sa sariling buhok. "Yeah, I cut it before and never tried to grow it long again."

"Bakit?" She asked in curiosity.

"New life. New beginning?" Napakibit balikat ako.

"Sayang, Kuya Daniel loves your hair pa naman dati."

Natigil ako sa pagnguya ng meat at hindi sinasadya na napatingin kay Dan who was watching me.

"She's still beautiful kahit anong hairstyle." He said looking straight at me.

Napainom ako kaagad ng tubig sa pakiramdam na parang nagkabikig ang lalamunan ko.

"Kahit yata maging kalbo si Ate Kathy she's still pretty pa rin para sa'yo." Erin laughed.

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa baso at napayuko na lang ako sa pagkain. I feel so awkward in my situation right now.

"Remember when I got bald because of my chemo? You always told me that I'm still pretty even without hair." Pagpapatuloy niya. "Alam mo ba Ate Kathy, Kuya shaved his head?"

Napilitan ako mag-angat ng tingin kay Erin and smile at her. "Really?"

"Yes." She nodded. "Para daw pareho kami walang buhok. You should have seen him."

My smile froze, "Yeah... Kaso lang hindi ko nakita."

Para akong hindi matutunawan sa kinakain ko at sa tinatakbo ng usapan namin.

"Erin, just eat your lunch at hayaan mo makakain si Ate Kathy mo." Sabi ni Dan sa kapatid na mukhang nakaramdam na yata nagiging uncomfortable na ako sa usapan namin.



"KATHY, wait!" Habol ni Dan sa akin sa parking lot.

Huminto ako sa harap ng sasakyan ko at huminga muna ng malalim bago ko siya hinarap.

"What?"

"About... Sa office kanina bago dumating si Erin."

"If it's about the meeting, I gave you a copy of our proposal. Pwede mong aralin until the presentation, you don't have to answer to us right away."

"That's not it."

"Then what?"

Naikuyom ko ang mga kamao ng hindi siya sumagot na para bang nagaalangan siya sa sasabihin at hirap humagilap ng tamang salita.

When You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon