Chapter 22

9.7K 251 34
                                    

a/n: Dan's POV okay? Huwag po malito, and don't hate Dan please. Love ko siya eh huhu!

-----

DAN

NAPATIGIL ako ng makita kung sino ang nakaupo sa gilid ng hospital bed ni Erin at pinapanood itong matulog.

"Tito DJ?"

Nilingon niya ako at ngumiti sa akin. "Napagod na yata si Erin sa pakikipag-kwentuhan sa akin kaya nakatulog na."

Lumapit ako sa kama ng kapatid at inayos ang kumot nito. "Kasama niyo po si Tita Kath?"

"Hindi, ako lang."

Nakasunod siya ng tingin sa akin habang inaayos ko ang kapatid ko.

"Gusto lang sana kita makausap."

Napatango ako at sumunod kay Tito DJ ng tumayo siya palabas ng kwarto. It's very rare lang na magpunta si Tito DJ dito na hindi kasama si Kathy or Tita Kath kaya naman baka may gusto talaga siya mapagusapan ng kami lang.

Naupo ako sa tabi niya sa hilera ng mga upuan sa waiting area hindi kalayuan sa kwarto ni Erin.

"Kamusta ka na?" Pauna ni Tito DJ. "Wala dito si Kathy, hindi mo kailangan magpanggap na malakas."

Napabuntung hininga ako at naisuklay ang kamay sa buhok. "Ang hirap."

In just two words, para na akong nabuksan na dam, pilit ko man magpakalakas para sa kapatid ko, ayoko lang ipakita sa kanya at kay Kathy pero unti-unti na akong nauubos. Silang dalawa na lang ang pinagkukuhanan ko ng lakas pero sa bawat hirap na nakikita ko sa kapatid sa tuwing tuturukan siya ng gamot parang ako ang nauubos.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan maging malakas minsan kailangan mo rin maging matalino." Sabi ni Tito DJ and hold a piece of paper in front of me.

Kinuha ko iyon only to find out it's a calling card. Nahigit ko ang hininga ng mabasa ang nakasulat doon. "Paano niyong nalaman?"

Tito DJ smirk once before giving me serious look. "You know? It never once cross my mind, hindi naman lahat ng Ford related sa akin until I saw that guy you're talking to back in the cemetery. I know him, I've done business with him. So I did a little research, wanna know what I found out?"

I gritted my teeth. I should have known, maliit lang ang business world kaya hindi malayong magkakilala sila.

"Padilla huh? Damn! Padilla Corporation? Who would have thought di ba?" He scoffed, shaking his head. "I should have noticed it before nang una ka i-introduce ni Marion sa amin, an average living guy who speaks fluent english? I know mababaw pero hindi lahat ng matalino will naturally converse in english if you're not used to it. More so an accent, but I let it passed."

Naikuyom ko ang mga kamao at nalukot ang hawak na calling card ng CEO ng Padilla Corp. "Hindi ko sila kailangan."

"Pero kailangan sila ng kapatid mo."

"Hindi... Ewan ko na tangina!" Napasabunot na lang ako sa sarili.

"Katulad ng sabi ko, kailangan mo maging matalino, kung kinakailangan mo babaan ang pride mo para sa kapatid mo."

Napahawak ako sa kwintas na suot, ang singsing ni Mama. "Hindi ko alam kung kaya kong bitawan ang sarili ko."

"Pagbitaw mga ba o paghanap sa sarili mo? You've lost your identity Daniel, now all you have to do is find your real self."

"You're here lang pala."

Napatingin kami pareho sa papalapit na si Kathy.

"Daddy, what are you doing here?"

When You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon