Chapter 34

13.5K 333 36
                                    

a/n: i put (*) so you won't get confused sa flashback.
Not proofread. :)

-----

"HOW dare you! Anong karapatan mo?!" Dinutdot ni Mommy ang dibdib ni Daddy.

"Bal—" Daddy DJ tried to hold her but she just slap his hands away.

"Don't Bal me! Babalian kita!"

"Kath naman..." napakamot sa ulo si Daddy.

"Alam mo! All this time you kept your daughter in the dark, nakita mo kung paano ang anak natin that time pero ano ginawa mo? Wala kang sinabi!"

"Tita Kath—"

"Isa ka pa!" Baling ni Mommy kay Dan. "Nakuha mong magpaalam sa asawa ko but you didn't even bother with my daughter? How dare you, two!"

I bit my trembling lips at napahawak sa dibdib ko. Hindi ako makapagsalita, gusto kong manumbat pero hindi ako makabuo ng tamang salita. I was just standing here watching them.

"Kathy..." Lumapit sa akin si Dan but I step back at lahat sila ay napagawi na sa akin ang pansin.

"Don't—"

"Katherine, anak."

I shot my father an accusing look bago ko sila tinalikuran at nagmamadaling lumabas ng opisina.

Dumiretso ako sa sariling opisina, mukhang nagulat pa sa akin si Grace, ang secretary ko nang pabagsak kong isinara ang pinto ng opisina.

Nagpalakad lakad ako, hindi ako mapakali, clutching my chest.

Alam ni Daddy pero wala siyang sinabi sa akin all these years. At si Dan? Nagawa niyang magsabi sa ama ko pero ako, bakit pagdating sa akin hindi niya nagawa? I feel betrayed.

Napapitlag ako ng tumunog ang intercom.

"Ms. Ford, may naghahanap po sa inyo." Sabi ni Grace mula sa linya.

I gritted my teeth. "No, don't let him in!" I said sternly, hindi man niya sabihin ay alam ko na kung sino.

"Miss mapilit po."

"I SAID, DON'T LET HIM IN! I DON'T WANT TO SEE HIM!"

Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi, no, hindi ako dapat umiiyak. I don't want them see me crying again.

I heard chaos behind the closed door, naririnig ko ang boses ni Mommy, Daddy and si Dan. My mother is arguing with them na pilit na gustong pumasok ng opisina para kausapin ako.

Napailing ako at bit my lips. Ayoko na, ang gulo gulo na nang nararamdaman ko, huwag na silang dumagdag pa. Kinuha ko ang bag at lumabas ng opisina.

Natahimik silang lahat ng makita ako. Lumapit kaagad sa akin si Daddy and Dan but I step back.

Nagpabalik-balik ako ng tingin sa ama at kay Dan. "Pinagkaisahan niyo ako."

Nilagpasan ko na sila pero humabol sa akin si Dan hanggang sa elevator.

"Kathy... I'll explain everything." Akmang hahawakan niya ako sa braso ng ilayo ko ito sa kanya.

"Everything? Ilang beses na kita binigyan ng pagkakataon na mag-explain ng lahat-lahat. Akala ko okay na, tapos na. Then this? Ilan pang 'everything' ang dapat mo sabihin at ipaliwanag sa akin?"

"Kathy—" lumapit siya sa akin pero lumayo ako.

"Don't come near me, or else, I swear Daniel." I said in a warning tone.

"Love please—"

The next thing, lumipad na ang palad ko at sinampal siya ng malakas na napapikit na lang siya dahil sa impact. His cheek was red na may bakat ng kamay ko.

When You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon