Chapter 9

12.9K 318 14
                                    

a/n: hi! I know this update is long overdue. Sorry pooo! I've been very busy kasi lately and my mother happens to have a health prob, she just got out of a successful two operations. Thankfully! So eto muna, i'll try i-fast pace na ang story for the time skip pero for now kasi nageenjoy pa ko dito sa pabebe ni Kathy and Dan. Lol! :p

-----

"GOOD Morning Kathy!" Salubong ni Russell sa akin mula sa paanan ng hagdan habang pababa naman ako.

"Good morning. Ang aga mo naman nagising."

"Ikaw naman mukhang kulang pa sa tulog. Gusto mong kape?" He took a sip on his cup of coffee.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya, hindi ko na namalayan kung anong oras namin ni Dan naisipan na bumalik sa kwarto na tinutuluyan naming mga girls at si Dan naman ay sa kwarto ni Russell kung saan magkakasama silang boys. "Fresh kasi ng hangin dito sa inyo." Nasabi ko na lang.

He just grinned and didn't say anything. He took a step closer to me kaya naman humakbang ako paatras ng isa. "Bakit?"

"Bakit ka rin lumalayo?" Nakangising tanong niya na may halong pangaasar.

"Ang aga Russell ah para manginis ka." Sabi ko nang subukan ulit niyang lumapit sa akin at lumayo ako.

"Bakit ba kasi ayaw mo magpalapit?" Pangungulit niya.

Hindi naman sa ayaw ko magpalapit pero naisip ko kasi yung sinabi ni Dan kay Russell, what does he mean by saktong distansya? Mga ilang feet ba ang acceptable sa kanya na layo ko dapat kay Russell?

Nilagpasan ko na lang si Russell at dumiretso sa kusina pero sumunod siya sa akin.

"Bakit ka ba sumusunod?" Iritang tanong ko.

"Bakit ka din kasi umiiwas?"

"Hindi ako umiiwas." Tanggi ko. Ang kulit din kasi ng isang ito. Pagpasok namin ng kusina ay hindi ko naman malaman ang gagawin dahil hindi nga pala namin bahay ito.

"Yung cabinet sa kaliwa may chocolate or coffee, sa ref naman yung gatas." Sabi ni Russell na patuloy na umiinom ng kape niya.

"Thanks." Kumuha na ako ng mug at nagsalin ng mainit na tubig tsaka ko kinuha ang chocolate sa cabinet.

"Nakakapagod yung byahe natin kahapon no?" Umpisa ni Russell. "Nakatulog nga agad ako eh, ikaw ba nakatulog ka?"

Inabala ko ang sarili sa pagtimpla ng inumin ko. "Okay naman."

"Sa sobrang pagod nakatulog ako agad kaya lang nagising ako sa kalagitnaan ng gabi."

Natigil ako sa paghahalo ng inumin sa mug at tumingin kay Russell.

He was now grinning from ear to ear. "Tapos bumaba ako para kumuha ng inumin."

Napalunok ako. Okay I need to relax, huwag masyadong obvious Kathy. Masyado ka rin guilty wala pa man sinasabi.

"Iinom lang ako ng tubig sana, eh malay ko bang may makikita ako sa dilim."

Oh shit! Nanlaki ang mga mata ko habang si Russell tuwang tuwa sa reaction ko.

"W-what? Bakit ka nagkukwento sakin niyan?"

"Hindi mo ba itatanong kung ano or rather sino ang nakita ko?"

"Shut up." Pabulong na lang na sabi ko.

Tumawa ng malakas si Russell. "Grabe Kathy! I can't believe it, totoo nga?!"

Napapikit ako, "Russell just shut it."

"Hahaha! No hindi lang kasi ako makapaniwala, you and Daniel? How? When?"

When You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon