NAPAHAWAK ako sa railings nang mag-umpisa ng gumalaw ang yate na kinasasakyan namin palayo sa daungan.
The night wind chill pero tinatalo ito ng init na galing sa mga bisig ni Dan nakayakap sa akin mula sa likuran at tinatanaw namin ang papaliit na mga ilaw mula sa port.
"So, how did you come up with this? Planned or biglaan?" Putol ko sa katahimikan.
Lumapat ang mga labi ni Dan balikat ko. "Plano ko na talaga na dalhin ka for a date but I was still lacking in ideas kung paano and then I came up with this nang mag-suggest ang business partner ko na ka-meeting ko kanina na ipagamit sa atin ang itong yacht niya sa akin."
"Hmn...at ano ang kapalit?"
"Kapalit nang pagpapa-rent na ito? Pagpirma ko sa kontrata."
"You'd risk your company for this?"
"I'd risk everything for you." He kissed the side of my head. "Or maybe I'll just get my own yacht."
Napairap ako at nangiti. "Aanhin mo naman? Titira ka sa dagat?"
"Sasamahan mo ba ako?"
Hinarap ko siya ng gulat. "Gagawin mo talaga?"
"Gusto mo ba?"
Umiling ako. "Hindi mo dapat ibinabase sa akin lahat ng magiging desisyon at balak mo."
"But I want what you want, dahil masaya ako na napapasaya kita."
"Then I don't need a yacht. Masaya na ako na magkasama tayo and that house by the lake? Our lake? It's more than enough."
Ngumiti siya sa akin and traced his forefinger on my neck down to my chest and hooked his finger on the necklace I'm wearing. Tinitigan niya lang iyon at hindi nagsalita.
Then I remember his conversation with Russell. Napalunok ako, if he feels like I'm not ready yet, if he can read me like that, what about myself? Am I really not yet ready?
"Dan..."
Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumiti. "Nagugutom ka na? Our dinner must be ready."
Iginiya na niya ako na nakalapat ang palad niya sa likod ko paakyat sa deck where a table for two was set at may nakaabang na magsisilbi sa amin, and a violin starts playing as soon as we showed up.
Pinaghila niya ako ng upuan at nang makaupo siya sa harap ko ay kinuha niya kaagad ang kamay ko, playing with my fingers at nanatiling nakatitig sa akin na nakaramdam na ako ng pagkailang.
"Why?" He chuckles nang magbaba ako ng tingin sa kanya at namumula ang magkabilang pisngi.
"Nothing...it's just—bakit kasi ganyan ka makatingin."
"Bakit? Paano ba ako tumingin?" Lalong lumawak ang pagkakangiti niya at lumamlam pa lalo ang mga mata.
"Eeh! Basta!" Itinulak ko ng marahan ang mukha niya.
Natatawang hinalikan niya ang kamay ko. "Ang sarap mo kasi titigan, ang ganda mo."
"Well...basic" I flipped my hair, nagkatitigan kami at nagkatawanan.
Natigil lang kami ng i-serve na sa amin ang pagkain and we eat in silence while keeping a simple conversation.
Napaangat ako ng tingin nang tumayo si Dan sa harap ko once we're done eating.
"Dance with me?" Nakangiting alok niya ng kamay sa akin.
"You don't dance."
"But you'll always be my exception."
BINABASA MO ANG
When You Were Mine
FanfictionL-O-V-E series #2 He left without any reason and now he came back without giving any. Would things go back to what they used to be? Would you accept the same person who hurt you the most? Would you give a second chance to your heart and take a risk...