Chapter 32

15.6K 381 69
                                    

PARA akong natulos na kandila when Dan stopped me from leaving by hugging me from behind, burying his face on my hair.

"I'm sorry, I'm so sorry." He whispered.

I bit my lips to stop it from trembling, my tears suddenly falling hearing those words coming from him finally.

"I'm so sorry love, please."

"Bakit—bakit ngayon lang?" Halos hangin lang ang lumabas sa tanong ko.

"I—I was never given a choice that time, I had to choose between you and my sister."

Napahawak ako sa braso niya na nakapulupot sa akin at ibinaon ang mga kuko. "You thought I will never understand you? I won't never ever ask you to choose between me and Erin."

"I know, I know you won't do that. Kasi mahal mo si Erin na lahat gagawin mo para gumaling siya katulad ng kinailangan ko gawin na umalis para sa kanya."

"Then what about me huh?!" I hit his arms with my fist, kinalmot, lahat na pero hindi niya ako binitawan. "Hindi mo man lang naisip na baka kailangan ko din malaman? Umalis ka without a word!"

He shook his head and tighten his arms around me na parang takot siya na kumawala ako. "Natakot ako, naduwag ako na harapin ka dahil baka hindi ko magawang umalis kapag nakita kita."

"Naduwag ka? How dare you! Iniwan mo ako sa ere just because you got scared?!" Sinubukan ko alisin ang mga braso niya sa akin pero hinigpitan niya lang ito and pull me closer to him more.

"And that's the most stupid decision I've ever made." He buried his face on my neck. "I'm sorry, I'm sorry..."

"Don't you know how unfair it was to me? You never give me a choice. Basta ka na lang umalis tapos babalik ka na parang walang nangyari? And worst is, you didn't trust me enough to tell me kung sino ka ba talaga."

"Because I hated my life, I hate this life na binalikan ko. I grew up na palaging sinusunod ang Lolo ko, kung ano ang sabihin niya kailangan ko sundin because if I didn't ibubunton niya iyon kay Mama. He never liked my mother for his son pero nabuntis si Mama at pinakasalan ni Papa but that didn't stop it. Kapag nagkakamali ako kay Mama ang sisi, sinasabihan niya ng masasakit si Mama saying na kasalanan niya at hindi ako natututo, wala akong magawa, walang magawa si Mama dahil hindi niya kayang kalabanin si Lolo. It was my thirteenth birthday nang magdecide si Lolo na ipadala ako ng America para itrain ako as his heir and for the first time ay umalma si Mama because she knew once I leave the house tuluyan na akong ilalayo sa kanya but what he did was he hit her, binugbog niya si Mama in front of my father na walang ginawa, nanuod lang siya dahil natatakot siyang kalabanin ang sariling ama, naduwag siya na mawala sa kanya ang lahat ng meron siya kapag nangialam siya. He stood there watching his own wife bleed to death just because he can never go against his own father. That night, I plead my mother na umalis na kami nung una ayaw niyang iwan si Papa hanggang sa mapakiusapan ko siya kaya umalis kami ng mansyon ng Lolo ko, Erin was just four then, wala pa siyang alam pero ayokong kamulatan niya ang pamilya na kinalakihan ko kaya rin siguro na-convinced si Mama na umalis kami. But then, who would have thought? Na ang pilit kong inilayo kay Erin ang siyang magpapabalik din sa amin? Kailangan ko talikuran ang sariling salita ko para sa kapatid ko, kailangan ko ang pera nila para mapagamot si Erin. Kailangan kita bitawan dahil ayoko madamay ka sa gulo ng pamilya ko nang hindi ko pa naaayos ang sarili ko. I wanted to make myself better para kaya ko ng bumalik sa'yo."

Hinarap ko siya, he was trembling, his eyes red with brimming tears.

"I never wanted a better you, I need you. Sana naisip mo yun bago ka gumawa ng desisyon." Dinutdot ko ng daliri ang dibdib niya. "You said you want to make yourself a better person for me? Pero ako na tinanong mo if I wanted it? No! Dahil ang gusto at kailangan ko lang naman ikaw, ikaw lang mismo!"

When You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon