"BWISIT ka Marion! Madapa ka sana! Makalbo ka sana! Mabilaukan ka sana!" Gigil na mantra ko habang binabato ang nga damit ni Dan sa nakalatag luggage.I heard a chuckle at nalingunan ko si Dan na nakahilig sa door frame ng dressing room with only a towel wrapped around his waist at kakagaling lang ng shower.
Kinuha ko ang nakahanger niya na isusuot, padabog na isinaksak sa dibdib niya at lumabas ng closet. Naupo ako sa kama glaring at the closed closet door.
Lumabas na ng dressing room si Dan na nakabihis na ng black slacks while buttoning his white dress shirt. Lalo akong nainis kasi dala na niya yung luggage na inaayos ko kanina.
"Ang sungit mo na naman sakin."
"Bakit ka kasi aalis?" Humalukipkip ako.
Tumalungko siya sa harap ko para magkatapat kami. "Nakausap mo si Marion, tinawagan ka niya. He needs me para sa trabaho. Alam mo naman na nasa transition phase pa kami tungkol sa business namin ni Tito DJ di ba?"
"Pero kakabati lang natin." I said pouting.
He kissed my pouted lips. "Kaya nga tapos aawayin mo pa ako."
"Kainis kasi si Marion!" I stomped my foot like a little kid having a tantrum.
Tumayo na si Dan with me tucked under his arms. "Saglit lang naman ako and after I'm all yours na."
Nakarating na kami sa pinto but I'm still clinging on his waist not willing to let go.
"Kathy..." Sinubukan niyang alisin ang pagkakapulupot ng braso ko sa bewang niya.
"Kasi naman!" Lalo ko lang hinigpitan ang yakap ko sa kanya.
"Bakit ka ba biglang ganito love? Clingy and being a baby although I'm enjoying it too." He chuckle.
Hindi ako sumagot.
"Aalis na ako Love, naghihintay si Marion sakin."
"Paano pag umiyak ako?" I pouted at ipinatong ang baba sa dibdib niya.
"You know I won't be able to leave kapag umiyak ka na."
As if on cue ay tuloy tuloy na tumulo ang mga luha ko na parang gripo.
"Ah fuck!" Nanlaki ang mga mata ni Dan at sinakop ang pisngi ko ng mga kamay niya para punasan ang luha. "Huwag ka naman iiyak ng ganyan love."
"A-ayoko—naman umiyak eh." I said in between hiccups.
Niyakap niya ako sa dibdib niya. "Hindi ako makakaalis ng ganyan ka." He cupped my face at pinaulanan ng mga halik ang buong mukha ko.
"You really don't want me to leave?" Tanong niya.
Pinunasan ko ang mga luha at huminga ng malalim. "No, you can leave."
"Huh?"
"I'm okay na. You can leave hindi na kita pipigilan."
Napakunot noo na lang sa akin si Dan sa biglang pagbago ng ihip ng hangin.
"Okay ka lang ba? Are you sick?"
Natawa na lamang ako sa confusion ni Dan. "No." Itinukod ko ang kamay sa balikat niya and tiptoed to plant a soft kiss on his lips. "Drive safe, okay?"
He just sighed and kissed my forehead bago kinuha ang luggage niya.
"Huwag ka mambababae ah, naku! Subukan mo lang!" Pahabol ko nang palabas na siya ng pinto.
"Bakit naman ako mambababae?" Takang tanong niya.
"Of course I know you won't." I smile at him sweetly. "Bye! I love you!"
BINABASA MO ANG
When You Were Mine
FanfictionL-O-V-E series #2 He left without any reason and now he came back without giving any. Would things go back to what they used to be? Would you accept the same person who hurt you the most? Would you give a second chance to your heart and take a risk...