Chapter 13

10.4K 262 9
                                    

a/n: not proofread. :)

-----

NAKAHAWAK ng mahigpit si Dan sa kamay ko habang nakasunod kami kay Tita Jen na walang malay sa stretcher habang tinutulak para dalhin sa operating room.

"Wait lang, sandali lang po." Pigil ni Dan ng akmang ipapasok na ito sa loob.

Huminto ang mga nurse na nagtutulak.

Binitawan ni Dan ang kamay ko at lumapit kay Tita Jen para kunin ang mga kamay nito na nakapatong sa tyan.

"Mama. Hihintayin kita, please come back." Mahinang sabi niya sa ina habang hinahalikan ang kamay nito.

Napakagat labi ako at tumingin sa taas para pigilan ang pagtulo ng luha sa nasasaksihan.

"Sir." Agaw pansin ng isang nurse na lalaki na siyang nagtutulak ng stretcher. "Gamit po ng pasyente." May iniabot itong ziplock kay Dan.

He opened it at inilabas ang isang singsing, it's just a simple gold band. Nakita ko ang pagtagis ng bagang niya habang ipinapasok sa bulsa ang singsing ng ina.

"Ipapasok na po namin sa loob." Paalam ng nurse.

Napipilitan na binitawan ni Dan ang kamay ni Tita Jen para tuluyan na silang makapasok.

Iginiya ko si Dan na maupo sa waiting area ng sumara na ang pinto ng operating room. Hinawakan ko siya sa magkabilang kamay dahilan para lingunin niya ako.

"Kathy..."

"Hmmn?"

"Thank you, hindi ko na alam kung ano gagawin ko kung wala ka dito."

"Didn't I tell you nandito lang ako? Sa lahat ng pagkakataon na kailangan mo ako, hinding hindi kita iiwan." I put his palm on my cheek.

Hinila niya ako para yakapin, pressing his lips on my forehead.

"You still need a rest." I lightly traced the dark bags under his eyes. "Aabutin daw ng until eight hours ang operation, you should used that time to sleep kahit ilang oras lang."

Umiling si Dan. "Paano kung may kakailanganin sila? I need to wait here."

"But you promised me remember? Na magpapahinga ka once na mag-umpisa ang operasyon." Paalala ko sa sinabi niya kagabi.

"Pero paano si Mama, walang magbabantay-"

"Kuya!"

Napalingon kami sa boses.

"Erin?" Tumayo si Dan nang makalapit ang kapatid at yumakap agad sa kanya at si Marion na nakasunod kay Erin. "Bakit nandito ka?"

"Nangungulit kasi na gusto daw niya magpunta dito." Sabi ni Marion.

"Nasaan si Mama, Kuya Daniel?" Tanong ni Erin habang nakayakap pa rin ng mahigpit sa kapatid.

"Nasa loob siya, kailangan niya operahan."

Lumapit ako kay Marion at lumayo muna kami ng bahagya kina Dan para magkausap silang magkapatid at kami na rin ni Marion.

"Thank you sa pagbantay kay Erin."

"Daniel is my friend bago pa maging kayo, isa pa para ko na rin kapatid si Erin. She reminds me of you when you were her age."

Napangiti ako kay Marion. "But thank you still, alam ko naman na nagtatampo ka pa rin dahil sa tinago namin sayo yung kami."

"I know in myself na mangyayari naman talaga 'yon in time. And I'm sorry kung pinangunahan kita."

Niyakap ko siya. "You don't have to be sorry, you're just doing what a big brother should do."

When You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon