Chapter 19

13.4K 250 34
                                    

PAGBABA ko ng hagdan ay naabutan ko si Mommy Kath sa living room na may kausap na lalaki, with fiery red hair but from the way he move I can say gay.

"Mommy, pinatawag niyo po ako?" Agaw pansin ko sa ina ng makalapit ako sa kanila.

"Kathy, good you're up. This is Zaldy, siya ang magde-design ng gown mo for your debut party and this is my daughter, Kathy." Pakilala ni Mommy sa kausap.

"Nice to meet you." Kinamayan ko si Zaldy.

"You're so pretty naman pala talaga kaya super excited din ako na bihisan ka." He exclaimed.

"Thank you." Ngumiti ako sa kanya bago bumaling sa ina. "Mom..."

"Sweetie, I know you're not into parties but this is your 18th birthday. A milestone in your adulthood and I wanted you to enjoy it." She pats my head. "Besides may mga designs ng ipinakita si Zaldy which I know you'll love."

Iginiya na niya ako paupo sa couch sa tabi ni Zaldy at pinagitnaan nila ako.

"Here, look at this Kathy." Inabutan agad ako ni Zaldy ng portfolios niya where his sketches of gowns are. "This will look good on you. You're a petite type so a ball gown with a sweetheart cut will emphasize your curves."

Inisa-isa ko ang mga designs niya na mga nagustuhan ko naman, I like his contemporary and minimalist designs.

"Oh my, I can imagine you in my creations. You will look like a doll!" Excited na sabi ni Zaldy habang iniisa-isa niya ang mga designs na tingin daw niya ang babagay sa akin.

"Thank you, Zaldy. I'm not into dressing up but I love your designs, honestly."

"Well you wait until you wear it. Gagawin kitang manika."

Natawa ako sa sinabi niya na agad din nawala ng mapahawak ako sa ulo sa biglaang pagsakit nito.

"Masama pa rin ba pakiramdam mo?" Tanong agad ni Mommy ng mapansin ang paghawak ko sa ulo.

"A little, pero nadadaan naman po sa pahinga."

She sighed and touched my forehead. "Mainit ka pa rin. Ininom mo ba yung gamot mo kanina?"

My nose crinkled at the mention of medicines I have to take. I hate drinking meds.

Natigil kami ng may mag-doorbell at ng pagbuksan ng kasambahay namin ay pumasok si Dan. I smile instantly as I saw him.

"Good morning, Tita Kath." Lumapit siya kay Mommy at humalik sa pisngi nito bago siya lumapit mismo sa akin at hinalikan ako sa noo. "Good morning, Princess."

"Morning." I smile.

"Nilalagnat ka pa rin?" His forehead knotted ng maramdaman niya ang balat ko na mainit pa rin.

"Konti na lang."

"Uminom ka na ba ng gamot?" Tanong niya.

"Matigas ulo, hindi mapainom ng gamot." Si Mommy na nagsabi.

"Eh kasi nga kapag uminom ako ng gamot naiiwan dito." Itinuro ko ang lalamunan ko.

Mommy Kath chuckles and shook her head. "Manang mana ka talaga sa Daddy DJ mo."

"Totoo naman kasi, tapos mapait pa." Reklamo ko and look at Dan, begging na hindi niya ako pilitin uminom ng gamot.

"Anyway, Daniel this is Zaldy pala. Siya designer para sa gown ni Kathy. Zaldy this is Daniel, boyfriend ni Kathy."

"Ay fafa! Pwede Kathy ha? Magaling ka pipili." He winked at me. "So siya ang boylet mo meaning siya rin ang escort?"

"Para saan?" Tanong ni Dan.

When You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon