Chapter 17

13.9K 307 16
                                    

"SORRY talaga, may kailangan lang ako ayusin ng biglaan." Sabi ni Dan while I was talking to him on the phone. Kakatapos lang ng class ko and since it's Friday we were supposed to go out like planned pero tumawag si Dan at nagpaalam nga.

"It's okay. Naintindihan ko naman." Isinara ko ang locker ko pagkakuha ng libro na kailangan ko iuwi. "I'll just see you later. I mean will I get to see you tonight?"

I heard him sigh and my heart sank knowing that he may not make it tonight.

"It's okay kung hindi talaga pwede." I tried to put enthusiasm in my tone but who am I kidding? I know he knew that I'm disappointed.

"I'm sorry..." He said one last time before we dropped the call.

Adjusting the bag on my shoulder and keeping the book to my chest, I walked to the parking lot when I parked my car. Mommy Kath has been allowing me to drive myself lime today though there are times when I don't feel like driving ay nagpapadrive pa rin ako.

Taking the key from my bag ng makalapit ako sa sasakyan ng makaramdam ako ng tao sa likod ko. Lilingunin ko na sana when two strong arms wrapped around me from behind at tinakpan ang bibig ko para hindi ako makagawa ng ingay.

My heart pounded, with wide eyes I tried to wriggle free but the person behind me is too strong for me.

I feel my tears stung my eyes but fought it. Still trying to get free I tried to scream through the hand that was clasped on my mouth pero mukhang napuno na ang kung sino man ang nasa likod ko dahil hinila na niya ako papasok sa isang sasakyan na nakaparada hindi kalayuan sa akin.

Oh my god! No!

Sinubukan ko kumawala pa lalo dahilan para tumama ang ulo ko sa pinto ng sasakyan ng akmang isasakay ako ng bwisit na kung sino man ito. Nakaramdam ako ng sakit na gumuhit sa ulo ko making me feel dizzy and the culprit took that as an opportunity to push me inside the backseat of the car.

"Ano ba kailangan niyo-" I span around para makita kung sino ang dumukot sa akin na sumakay rin sa sasakyan. "WHAT THE FUCK?!"

"Oops! No cursing allowed, Princess."

I gasped. "Don't.Call.Me.Princess!"

I grabbed Russell's hair in frustration! How dare he scare me like that, nilingon ko naman ang harap nang may baritonong tinig ang tumawa rito.

"Pati ikaw?!" Gusto ko na lang maiyak ng makita si Jace na nasa driver's seat. "Nakakainis kayo!"

"Hey! Kathy! Chill lang bakit ka umiiyak?" Nag-panic na sila ng makita ang sunod-sunod na patak ng luha ko.

"Paano naman kasi! Pati ako pagti-tripan niyo. Alam niyo ba yung takot ko?!" Inis na pinunasan ko ang mga luha.

"Sorry na, napag-utusan lang kami." Sabi ni Russell.

"What?!" I glare at him.

Nag-peace sign lang siya sa akin as we drove off to wherever, I don't have an idea.

"Oh, may nagpapabigay." Jace gave me a bouquet of sunflower.

Napataas ang kilay ko ng tanggapin ko mula sa kanya ang bulaklak. Hindi ko napigilan na mapakagat labi habang inaamoy ang bulaklak. Well just basing on the sunflower alam ko na agad kung sink may pakana nito. Stupid boyfriend!

"Saan niyo naman ako dadalin? Isusumbong ko kayo kay Marion!" Sabi ko ng mapansin na medyo malayo layo na ang nada-drive namin at palabas na kami ng city.

"Chill lang Princess, may basbas kami ni Marion dapat nga kasama siya ngayon kaso umayaw kasi baka daw magbago isip niya."

"I said... Don't call me Princess!" Sinabunutan ko ulit si Russell.

When You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon