Chapter 70

14.8K 281 29
                                    

a/n: not proof read :)

---

"WHERE are we going?" Tanong ko kay Dan habang nagdadrive siya. Kakabalik lang namin from our honeymoon and all I thought is diretso na kami sa condo para magpahinga. "Wait, we're going to your house?" Nasabi ko ng maging pamilyar sa akin ang daan na tinatahak.

"My house?" Ulit ni Dan na nilingon ako saglit.

"I mean Tita—Mama Jen's house?"

Napapalatak na lang si Dan. "Our house Kathy, remember that. Kasal tayo at kung ano ang akin sayo na rin."

"Oh." Nasabi ko na lang at hindi napigilan ang pagpinta ng ngiti sa labi ko.

Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon right where my rings are. "Kilig ka na niyan?"

Pinagdikit ko ang mga labi at tumango. "Yeah."

Lalo naman napangiti si Dan at ipinatong ang kamay sa hita ko, grabbing the inside of my thigh.

"What are we doing there pala? Hindi pa tayo uuwi?" Ang alam ko kasi ay under renovation pa ang bahay.

"I have a surprise for you."

"Na naman?"

"I'm full of surprises di ba?" He grinned nang lumiko na siya kung saan ang street ng bahay.

"Oh my god." Nanlaki ang mga mata ko nang pumasok kami sa itim na gate na remote control at kusang bumukas at huminto sa driveway.

"Surprise!" Nakangiting bumaba si Dan at umikot sa gawi ko to open the door for me.

"Oh wow...when..." manghang inilibot ang paningin sa dati ay simpleng bungalow lamang at ngayon ay mataas at higit na mas malaki. The old house is still there but more modernized, it's like a combination of an old and modern design. Hindi ito mansyon sa laki katulad ng bahay ng mga magulang ko but big enough for me and our family, and just the right size that I'd love to live in.

"Hind pa siya tapos, the left wing still need to be done pero pwede ng tirhan. I made it sure na matapos right after the wedding. May ilang rooms sa taas na kailangan pang matapos but I'm pretty sure na bago ka pa manganak tapos na ito lahat."

"You mean dito na tayo titira?" Parang sasabog ang puso ko sa sobrang saya. I love living in his condo unit pero iba pa rin ang pakiramdam na sa isang bahay ka talaga nakatira, bahay na sa'yo, sa inyo.

"I asked Marion to move our things while we're on honeymoon."

I squeal and hugs him right away. Natatawang niyakap niya ako pabalik, itinaas ko naman ang mga paa para mabuhat niya ako.

"Ah! I love you, I love you, I love you!!!"

"You like it that much?"

Tumango ako at sumubsob pa lalo sa leeg niya.

Marahan niya akong ibinaba. "Gusto mo makita loob?"

"Yes! Yes!" Excited akong kumapit sa braso niya as he fished for the keys in his pocket.

"Wait lang Love, there's something we need to do. This is a tradition."

Napatili ako habang tumatawa nang bigla niya akong buhatin in a bridal style. "Now we're doing it the right way." Naalala nang ginawa niya rin ito sa akin when I first agreed to him na tumira sa condo niya.

Nakangising pinaguntog niya ang noo namin bago pumasok sa double door na gawa sa magandang klase ng kahoy.

Ang unang sumalubong sa amin ay ang malaking portait namin ni Dan nang kinasal kami. If the outside of the house got me excited getting inside took my breath away, it was fully furnished at lahat ng mga gamit ay bumagay sa taste ko. The furnitures were mainly in colors, white, brown and cream na masarap sa mga mata ang pagkaka-combination. Ibinaba niya ako sa gitna ng living room.

When You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon