Chapter 12

11.6K 267 9
                                    

"YOUR mother has an AVM, arteriovenous malformation, kung saan nagkabuhol at nagkaroon ng abnormal connection ang vein at artery sa kanyang utak kaya nagkakaroon din ng problema sa pagdeliver ng enough sa utak niya. According to her nang una siyang magpatingin sa akin a few weeks ago she's been receiving Gamma Knife before, a radiation therapy to destroy the vessels but she stop the treatment five years ago." Paliwanag ng doctor na si Dr. Alfonso sa amin habang nasa opisina niya kami.

Tulala lang si Dan habang nagsasalita pa rin ang doctor tungkol sa kalagayan ni Tita Jen.

"Ang kadalasan na simtomas nito ay madalas na pagsakit ng ulo, pagkahilo and seizure. It would have been treated kung nadaan sa maayos na gamutan katulad ng radiation therapy kung maliit lang at nagtuloy tuloy ang pagpapatherapy niya."

"She stopped five years ago?" Ulit ni Dan but more on to himself, forming his lips to a thin line.

If I remember, five years ago rin ng lumipat sila sa tapat ng apartment ni Marion, then why did she stopped the therapy?

Tumango ang doctor. "Nag-suggest ako for her to undergo a surgery to remove the malformation dahil unlike dati na maliit lang ito at madadaan sa radiation ay lumaki na ang bundle of blood vessels making the risk for rupture increased as well."

"But she refused right? I know Mama, mas pipiliin niyang magtiis para sa amin magkapatid kesa intindihin sarili niya."

"Ang totoo niyan sinabi niya na pumapayag siya na magpaopera but asking for enough time para maihanda ang sarili niya at kayo na rin sa maaaring kalabasan ng surgery."

"But what about now? Kung madadaan sa surgery why is she here and unconscious?" Galing na kami sa kwarto ni Tita Jen at katulad ng sabi ni Dan ay wala ngang malay si Tita Jen at maraming nakakabit na tubo sa kanya.

"She had a seizure kaya siya bumagsak and hitting her head kaya nagkaroon siya ng sugat sa ulo at ang pinaka kinatatakutan ko na mangyari ay ang rupture na nangyari na nga. What happened to her is a hemorrhagic stroke because of the rupture of the blood vessels." Tumayo ang doctor mula sa pagkakaupo at lumapit sa CT scan result na nakakabit sa ilaw sa pader ng opisina. "Here is the hemorrhage, kung titingnan mo ay mataas na ang pagdugo at clot na nangyari sa pagkaka-rupture ng blood vessels ng Mama mo. And I suggest that we do the surgery as soon as possible."

"If we do, what's the percentage?" Napalunok na tanong ni Dan.

The doctor sighs. "To be honest kung titingnan ang resulta ng CT Scan niya, 50 percent."

Napayuko si Dan, hinawakan ko agad ang kamay niya giving him encouragement and strength.

"My-my Lola Angel, she's a neurosurgeon. Maybe she can, she can help."

"Dr. Angel Bernardo? Yes I know her and she is indeed one of the great surgeon that I know." Dr. Alfonso gave us a small smile.

"I'll call her." Pinisil ko ang kamay ni Dan and he look at me. "Hey don't worry too much, Lola will help us, okay?"

Tumango siya sa akin and I smile at him kahit hirap ay gusto ko ipakita sa kanya na malakas ako at pwede niya ako pagkuhanan ng lakas ng loob kung nawawalan na siya. I cuddle his head and kiss his forehead bago ako tumayo para lumabas.

Naabutan ko si Marion na nakaupo sa labas ng clinic.

"How was it?" Tanong niya.

Alanganing umiling ako, "I need to call Lola Angel. We need her help."

Tumango siya. "She will."

Lumayo na ako para makausap ng masinsinan ang Lola.

Pigil ang hininga ko habang naghihintay na sagutin ang kabilang linya.

When You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon