Chapter 29

12.9K 357 63
                                    

a/n: mabilisang update lang. I was typing this while watching PSY kaya baka madaming mali. Kaaay?

-----

"AKO na dyan." Inagaw ko mula kay Dan ang mga dishes nang matapos kami kumain ng hapunan na niluto niya na steak and baked potato. Umuulan pa kasi kaya hindi pa ako makauwi, ang kaninang paambon ambon lang ay natuloy nga sa malaka na ulan.

"Ako na, doon ka na lang sa sala manuod kayo ni Erin." Kinuha niya ulit sa akin ang mga pinggan.

"Ako sabi, you cook and I'll do the dishes." Inagaw ko ulit pero hindi niya binitawan kaya nag-aagawan kami sa mga plato.

"Kathy, hindi pa kita asawa para sa ganyan na palitan ng gawain sa bahay tsaka na kapag kasal na tayo kaya for now hayaan mo na ako maglingkod sayo."

"Asawa ka dyan? Ayan na nga! Ikaw gumawa lahat!" Pasaksak kong binigay sa kanya ang mga pinggan.

"Kunwari ka pa dun naman talaga tayo papunta." Pahabol niya bago ako tuluyan makalabas ng kitchen.

"Asa! Tse!"

"Ate Kathy come here. Nood na lang tayo ng movie." Tawag ni Erin sa akin mula sa sala.

Naupo ako sa tabi ni Erin sa mahabang couch. "What movie?"

Nagkibit balikat siya, "Maghanap tayo ng maganda." She keep on flicking the remote control para mamili ng maaaring mapanood. "Eto na lang, paranormal."

"H-horror?" Napalunok ako.

"Ayaw mo Ate? Kung natatakot ka we can look for another movie."

Mabilis akong umiling. "Okay lang. It looks interesting naman."

Right after the movie started ay parang nagsisi na ako kaagad bakit pa ako pumayag panoorin ang palabas na ito.

Napapapikit na lang ako sa tuwing magiiba ang sound effect anticipating the worst.

Muntik na ako mapatalon nang may kamay na gumapang sa balikat ko. Tiningnan ko ng masama si Dan na kauupo sa tabi ko na nakaakbay na sa akin.

Umusog ako palayo sa kanya pero ang lintik sumunod lang sa akin. Lumayo pa ako hanggang sa masiksik ko na si Erin na nasa dulo ng couch, sumunod ulit siya tsaka nahiga paunan sa kandungan ko.

"Alis ka nga! Ang bigat ng ulo mo." I hissed.

Parang nananadya pa ang loko na kumuha ng unan at niyakap. "Ayoko gusto ko dito, masarap."

"Ssh! Wag na maingay ayan na po." Bawal ni Erin.

"Anong ayan na?" Napatingin ako sa TV screen sabay tili ng biglang may lumitaw na nakapagpagulat sa akin.

Dan chuckled watching my reaction.

I glared at him. "Tatawanan mo ko? Lumayas ka dyan." Tinulak koabg ulo niya.

"Hindi kita tinatawanan, gusto lang kita panoorin."

Inirapan ko siya at itinuon na ulit ang pansin sa palabas.

Nang matapos ang movie ay para akong nakahinga ng maluwag. Mahina lang talaga ang puso ko sa mga nakakatakot na palabas feeling ko kasi after I watched a horror film I'll be haunted.

"Erin it's late, matulog ka na. Bawal ka magpuyat." Sabi ni Dan at siya na mismo ang nagpatay ng TV using the remote control.

Nag-inat si Erin habang humihikab. "Goodnight Kuya Daniel, goodnight Ate Kathy." She kissed our cheeks and dragged herself to her room.

"And you, dito ka na matulog." Baling sa akin ni Dan.

"What? Baliw ka ba?"

"Ang lakas pa ng ulan sa labas oh."

When You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon