"KATHY ano ba? Sabog ka ba?" Pumitik si Mara sa harap ko. We were still in the conference room at kakatapos lang ng meeting nakaalis na ang mga kasama namin pero parang wala naman pumasok sa utak ko sa nangyaring meeting. Yung isip ko lumilipad pa rin sa naunang nangyari kaninang umaga.
"Wala na, malabo na tong Kuting natin." Sabi ni Mara na naiiling sa akin na tulala pa rin habang nilalaro ng daliri ang mga labi.
"Baka nadiligan kagabi." Sabi naman ni Justin na parang nagpabalik sa akin sa sarili.
"Anong nadiligan?" Binato ko siya ng ballpen na nasa long table sa harap ko.
Natatawang umiwas siya sa binato ko. "Aba malay ko sayo kung ano pa ginawa niyo ni Daniel kagabi pagalis ko."
"Whoa! Wait! Daniel? Sino—paano? He's back?!" Gulat na gulat na tanong ni Mara.
Napairap ako sa dalawa, bakit ba puro ako na lang? "So?"
"So? Pero bumalik na talaga siya?" Pangungulit pa rin ni Mara.
"Oo nga, nagulat din ako pagdating ko kay Marion andun siya." Sabi ko na.
"Kay Marion? Okay, so bakit daw siya umalis?"
Nagkibit balikat ako. "Ewan."
"Ewan?"
"Ano ba Mara, parrot ka ba? Inuulit mo lang sinasabi ni Kathy." Reklamo ni Justin sa kaibigan.
"Huwag mo akong anuhin! May atraso ka pa sa akin kasi aalis ka na!" Hinampas ni Mara sa braso si Justin. Nasabi na nga pala niya sa kaibigan ang pag-alis niya and like what we expected she did understand the situation but only after she took a beating on him.
"Ewan kasi hindi ko siya kinausap. Ayoko pa siyang kausapin." Nasabi ko sa kanila.
"Bakit naman?" Tanong ni Justin.
Napabuntung hininga ako. "Kasi natatakot ako sa pwede niyang sabihin at natatakot ako dito." Napahawak ako sa dibdib.
Natahimik ang dalawa sa sinabi ko.
"You know what girl? Take your time." Seryosong sabi ni Mara. "Hindi biro ang maghintay sa wala, hindi ka sigurado kung may babalik pa ba."
"Kaya nga ako naiinis kasi bakit parang wala lang sa kanya? He act as if it's so easy to bring it back? Makapagselos siya akala mo walang nagbago." Naikuyom ko ang mga kamao.
"Wait ulit! Selos? Kanino? Dito?" Tinuro ni Mara si Justin na kasalukuyan kumakain ng natirang pizza from our meeting.
"Kanino pa ba?" I said, can't help but rolled my eyes. "Kilalang kilala ko siya, bawat tingin at kilos niya kapag nagseselos."
"Then use it." Sabi naman ni Justin.
"What? Pagselosin ko siya? No. I don't want to resort to that, that's too low. Besides I told you, I know him too much mas nagseselos mas lalo lang siyang sasabog."
"Ano plano mo ngayon? Magkakaayos na kayo?" Tanong ni Mara.
"No!" Nalukot ang mukha ko. "Ano siya sinuswerte? Balikan agad agad? Magdusa muna siya."
"Alright! Girl power!" Nakipag-high five sa akin si Mara.
"Well I can still help." Sabi naman Justin. "Hindi pa naman ako aalis until then pwede pa ako mag-add ng thrill sa lovelife mo na na-freeze ng ilang taon."
Napairap na lang ako sa kaibigan. "Tigilan niyo na nga yan." Tumayo na ako palabas ng conference room.
"Pero na-miss mo no?" Tanong ni Mara na sumunod pa talaga sila sa akin sa opisina ko.
BINABASA MO ANG
When You Were Mine
Fiksi PenggemarL-O-V-E series #2 He left without any reason and now he came back without giving any. Would things go back to what they used to be? Would you accept the same person who hurt you the most? Would you give a second chance to your heart and take a risk...