Sa sobrang boring ng life ko ngayon ay parang wala na akong maiku-kuwento sa inyo na kahit ano. Alangan namang sabihin ko kung ano ang kinain ko kagabi? O noong isang araw? O noong isang linggo diba?
Malapit na matapos ang taon pero ito, boring pa rin ang aking life.
Pero noong August which is birthday ko, ay nag-celebrate kami. It's my 18th birthday. At hindi naman engrandre iyon. Dahil ayoko. Ayokong mag-gown dahil for me, ang hirap lang gumalaw niyon. Kaya may kaunting salo-salo lang sa bahay with my family and my friends. Like my friends, and also Drixx and his friends na nag-invite din sa amin noong birthday ni Carlos, siyempre si Carlos kasama rin.
At kahit hindi naging engrande iyon ay naging masaya naman kaming lahat. At ang pinaka-laugh trip n'on ay si Jerwin. Bibigyan kasi ako ng mga invited ng 18 na bulaklak which is red rose at sasabihan ng 'happy birthday'. Pero itong si Jerwin aba! Sinabi ba namang 'thank you'. Kaya iyon, tawa kami ng tawa. Kahit kumakain na kami n'on ay natatawa pa rin talaga kami.
And at the end of the celebration ay nag-picture kaming lahat. And when I look at that photo. Kahit picture lang iyon ay mahahalata mo na ang saya-saya naming lahat. Napangiti rin ako n'on dahil naka-akbay sa akin si Drixx habang nakatingin sa akin, ako naman ay sa camera ako nakatingin. Parang ang made-describe mo doon ay tinitingnan niya ang kagandahan ko. Ems.
But at the back of my mind, I was hoping that all of my people well stay at me forever. Especially Drixx.
Noong pasko naman ay nag-tungo kami sa Wildlife, sa may Quezon City. Pagkatapos namin doon ay nag-tungo kami sa Quiapo Church upang magsimba. After niyon ay papunta kaming Manila Zoo. Medyo traffic dahil nga pasko. Kakadaan lang namin sa Luneta Park at ang daming tao. Mamamasyal.
Nang makababa kami no'n sa Quirino Avenue ng LRT ay naglakad kami doon sa may street. Hindi ko alam kung street ba iyon. Hahaha. Excited akong makarating sa Manila Zoo dahil makikita ko ulit doon ang tiger. Pero sana naman this time may lion na. Ayon kasi talaga ang favorite animal ko. King of the jungle, pero cute.
Pero nakaka-panlumo...
"Sarado pa po ito. At baka next year pa ito magbu-bukas. Inaayos pa po kasi ito." Rinig kong sabi ng Guard.
Haays. Paskong-pasko naka-sarado. Nakakayamot.
"Pumunta na lang tayo sa Manila Bay." Rinig kong sabi ni Mama.
"Malapit lang ba 'yon?", tanong ko dahil hindi pa talaga ako nakaka-punta doon.
"Oo... Tatawid lang tayo ng dalawang beses tapos ayon na." Sabi ni Mama.
'Yong pagka-lumo ko naman kanina ay napalitan ng sigla. Dahil pupunta kami ng Maynila Bay. Hindi ko pa kasi iyon talaga napupuntahan. Kahit naman na naka-punta na ako sa Luneta Park ay gustuhin ko pang puntahan ay hindi ko alam kung saan. Tapos ito ngayon, pupunta kami.
Unexpectedly...
At dahil malapit nga lang ay nakarating kami kaagad doon. Nakita ko pa nga doon. Nakita ko pa nga doon ang building ng BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas. Pero hindi ko naman pinansin iyon dahil wala naman akong gagawin doon.
Nang makababa kami doon, ay kaagad na hinubad ko ang flat sandals ko at nag-tungo sa gilid ng dagat. Wala akong balak maligo dahil wala akong extrang damit na dala dahil nga biglaan ang pagpunta rito.
Kaya naglakad-lakad ako sa dagat. At nag-picture.
Gustong-gusto ko maligo. Dahil no'ng huli akong makaligo sa dagat ay 11 years old pa ako. Noong 2015 pa iyon. Kaya ang saya-saya ko at nandito kami ngayon.
Nakita ko pang may nangingisda pero hindi ko na sila pinansin doon. Focus ako sa dagat dahil minsan lang ito.
Pagdating naman ng New Year at hindi ako umalis, sila Mama lang ang namasyal. Nakakatamad kasi gumala. Saturday ngayon dahil January 1, pagdating ng 3 ay pasukan na. Kaya mas pinili ko na lang mag-stay sa bahay. Kaya nandito ako sa bahay nanonood ng Captain Marvel habang kumakain ng Ice Cream. Pagtapos ng Captain Marvel ay Black Panther naman at Season 1 ng Loki ang pinanood ko. Ayan lang ang ginawa ko buong maghapon.
Pagdating naman ng Monday ay diretso lesson na dahil naghahabol ng mga lessons at dahil next week na rin ang finals namin. Hindi ko nga alam kung papasa ba ako this sem eh. Pero sa NSTP, delikado talaga ang grades ko. Mababa pa naman mag-bigay ng grades si Ma'am April kahit kompleto ka.
Pagdating naman ng weekend ay nakatunganga na lang ako. Nagawa ko na kasi ang mga projects at activities ko noong December. Kaya pinilit ko na lang matulog.
"San ka na?", basa ko sa text niya.
"Nandito ako sa may tulay." Basa ko naman sa text ko sabay send.
Hinintay ko siya. Habang naghi-hintay ako sa kaniya ay napatingin ako sa paligid. Nandito ako sa tulay at sa baba nito ay sapa. Hindi naman madumi ang sapa, may maliliit pa ngang isda na luma-langoy. Hindi katulad sa Maynila na iba-iba ang kulay ng sapa dahil sa samu't-saring mga tinatapon na kemikal mula sa mga pabrika.
Makikita mo din ang mga berde at malulusog na mga bunga ng bawat puno.
Kaya napaisip ako.
Hindi ito ang Maynila. Alam na alam ko ang itsura ng Maynila. At hindi ito iyon.
Kung hindi ito Maynila, nasaan ako?
"Sorry, pinag-hintay kita." Napalingon ako sa taong nagsalita.
Unti-unti akong napangiti sa taong nasa harapan ko ngayon.
"Halika na? Gusto ka ng makilala ni Papa."
Tumango lamang ako at ngumiti.
Niyakap niya ako ng napaka-higpit.
"Finally, nakita rin kita."
"Ako rin." Ngiting sagot ko.
Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay humiwalay siya saka hinawakan ang kamay ko at nag-simula kaming maglakad.
"Wait, nasaan nga pala tayo?", tanong ko sa kaniya.
Ngumiti siya.
"Nasa Isabela tayo."
Napa-hinto ako sa paglalakad.
Nasa Isabela kami? Paano nangyari 'yon? Papaanong nangyari na nandito ako? Eh ang alam ko nasa Maynila ako?
Maya-maya ay biglang dumilim ang paligid.
At idinilat ko ang aking mga mata. Napagtanto ko ring wala ako sa Isabela at nandito ako sa kuwarto ko. Na nandito ako sa Maynila.
Bumangon akong hingal na hingal at pawis na pawis.
Si Dobi...
Nasa panaginip ko siya...
Bakit?
After all these years...
Nasa isip ko pa rin siya?
And maybe naiisip niya pa rin ako?
Hey guys! Sorry for the short update! Bawi na lang ako next chapter or sa ibang story. Hihihi.
Merry Christmas everyone!
PS. Pahingi naman ng graham oh 🥲
🌹 TheGirlLovesRed 🌹
YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
JugendliteraturSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019