Chapter 35

5 0 0
                                        

( Merry Christmas )

Napangiti ako nang sabihin iyon ni Dobi sa akin.

"Merry Christmas din." Sagot ko at narinig kong tumawa siya.

December 25 na today. It means pasko na.

( Ano handa niyo? )

Rinig kong tanong niya.

"Hotdog." At natawa kaming dalawa.

( Gusto mo ng grahams? )

Just when he said those words ay bigla na lang akong nag-crave.

Nang-iinggit ba ito?

"Sige... Tirhan mo ako. Wag kang mag-damot." Sabi ko.

( Hindi na nga po. )

At nagtawanan kaning dalawa.

( 'Nak punta ka naman dito. Gusto kong makita yong nagpapasaya kay Dobi )

Rinig kong sabi ng isang babae sa kabilang linya.

( Mama, wag ka ngang maingay )

Boses naman ni Dobi.

( Sus Dobi )

At nagtawanan lang sila sa kabilang linya.

Ako ba ang tinu-tukoy ng mama niya?

Wait?

Ako lang ba kausap ni Dobi all this time?

Or may iba pang babae bukod sa akin?

Kilala ba ako ng Mama ni Dobi?

Anong ibig niyang sabihin na nagpapasaya kay Dobi?

( Tama si Mama )

Natigil ang pag-iisip ko ng mag-salita si Dobi.

"Na ano?", tanong ko.

( Pasyal ka naman )

"Saan?"

( Pasyal ka naman dito sa Isabela )

( Hay naku kuya.. Puma-pag-ibig ka na. ) at sumabat pa ang kapatid niyang babae.

Si Dobi ang panganay.

Siguro ang saya ng family nila.

Pero ang layo ng Isabela dito sa Maynila. Ni hindi ko nga alam kung saan siya banda ng Pilipinas. Hahaha.

Maya-maya narinig kong nag-ilocano sila. Siyempre nanahimik lang ako dahil wala naman akong naintindihan.

( Mamaya na lang ulit. Ang iingay nila eh. )

"Sige lang." At hinintay ko siyang ibaba ang tawag. Pero after ng ilang minutes ay hindi pa din. Pero hindi siya nag-sasalita.

( Halabyu ) biglang sabi niya.

"Hah?", tama ba yong narinig ko?

( Hay naku Dobi. Ang torpe mo. ) rinig ko na naman na boses ng isang babae.

Ano bang pinagsasabi nila?

( Mamaya na ulit. Merry Christmas ulit. ) and then he hung up.

Napatingin ako sa screen ng phone ko at napangiti.

Mukhang alam ko na ang gagawin ko.

🌷🌷🌷

Drixx: Gawa mo?
Drixx: Kumain ka na ba?
Drixx: Galit ka siguro

I Already Found Him | On-GoingWhere stories live. Discover now