Chapter 72

0 0 0
                                    

Kakatapos ko lang mag-sulat ng lecture sa isang subject kaya nag-scroll na lang muna ako sa facebook.

Pero napa-kunot ang noo ko nang makita ko ang bagong profile picture ni Drixx. Hindi naman sa pagiging childish or whatever pero kasi napag-katuwaan naming dalawa ang pagko-couple dp sa facebook. Tapos biglang mawawala ngayon? Nang hindi man lang niya sinasabi sa akin? Ewan ko ba pero parang nakaka-tampo lang? Ang cute kasi ng couple dp namin tapos tatanggalin niya lang? Nang walang pasabi?

Anong ibig niyang sabihin?

May nangyari ba nang hindi ko nalalaman?

Tatlong araw kasi kaming hindi nagka-chat dahil parang bigla na lang siyang nagalit sa akin. Noong Saturday, hindi naman siya totally galit sa akin. Parang nadamay lang ako sa galit niya dahil bad trip daw siya sa bahay nila. Kung bakit, hindi ko alam. Ayokong magtanong dahil baka lumala pa ang pagka-bad trip niya. Pero at the end of our convo, tila ba nagalit din siya sa akin.

Hinayaan ko lang siya ng araw na iyon dahil baka bad trip lang talaga siya and maybe bukas, okay na siya.

Pero akala ko lang pala iyon. Dumating ang linggo, lunes ay wala pa din siyang chat sa akin. Today is Tuesday na, at wala pa rin siyang chat.

It's been 3 days ng walang pag-uusap sa lahat. Maski sa personal ay hindi kami nagka-usap. Hindi kasi ako lumalabas ng bahay. I was hoping that he will go to my house. Pero wala akong nakita ni anino man niya na pumunta dito sa bahay.

Naisip ko pa n'on na para bang nagbago na siya? Parang hindi niya na ako mahal? Parang hindi na ako mahalaga sa kaniya?

But I also think, sa tagal ng relasyon namin ngayon pa ba siya nagbago? Ngayon pa ba kami magkaka-ganito? I mean may away naman kaming nalagpasan din namin. Na sana itong nangyayari sa amin ngayon ay malalagpasan lang din namin.

Pero bakit ngayon, bakit ganoon ang nangyari? Ganito ang nangyari?

Icha-chat ko na sana si Drixx about doon sa ginawa niya nang makita ko na nag-pop up ang mukha ni Shane sa aking screen hudyat na may message siya sa akin.

Hindi ko pa man nabubuksan ang message na iyon ni Shane ay para bang nakaramdam ako ng sobrang pagka-kaba.

Bakit? May masama bang nangyari? May masama bang mangyayari? May mali bang mangyayari?

At hindi nga ako nagka-mali. Mga chats ni Drixx kay Shane.

He's breaking up with me...

Drixx: Shane
Drixx: Pakisabi na lang sa kaniya ah
Drixx: Na break na kami. Ayoko na siyang i-chat kasi pupunta yon dito sa bahay
Drixx: Kayo na bahala sa kaniya ah. Salamat sa inyong lahat. Salamat sa mga kabutihan niyo

Shane: Gagii, wala na ba talaga? Ayaw niyo muna pag-usapan? Pasensya na, nakikisali ako

Drixx: Oo hayaan mo na Shane. Salamat sa inyo. Sa memories.
Drixx: Hayaan mo na 'yon. Alagaan mo na lang siya ah. Alam kong ikaw ang malapit sa kaniya.
Drixx: Ingat kayong dalawa sa journey niyo
Drixx: Ako, bahala na ako sa buhay ko. Delete niya na lang photos ko doon sa phone niya.

Shane: Ako naaano sa inyo eh

Drixx: Basta pakisabi na lang ah

Shane: Hindi naman ganoon kadali 'yon. Hayaan mo muna mag-luksa ang isa
Shane: Sure ka na ba talaga?

Drixx: Oo sure na ako sa desisyon ko
Drixx: Masaya na ako para sa kaniya
Drixx: Sana siya din

Shane: Eh desisyon niya? Dapat usap kayong dalawa. Hindi lang ikaw
Shane: Pag-usapan niyo para aware na din at kung hanggang doon na lang kayo. Na okay kayo na kahit masakit, tanggap niyo na wala na kayo.

I Already Found Him | On-GoingWhere stories live. Discover now