Chapter 80

4 0 0
                                    

"Babalik ako."

Napatingin ako sa malayo dahil hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin na babalik siya.

"Kailan?"

"Basta babalik ako." Sabay ngiti niya at akbay sa akin.

Napahinga ako ng malalim dahil doon sa napanaginipan ko kagabi.

Bakit ganoon naman ang panaginip ko? Bakit all of a sudden ay si Drixx ang nasa panaginip ko kagabi? Tapos ang panaginip pa na iyon ay sinasabi niyang babalik siya.

What does it mean?

Pero diba sabi nila ay ang panaginip ay kabaliktaran ang mangyayari sa totoong buhay? Ibig sabihin ba n'on ay hindi na talaga siya babalik? Babalik sa akin?

May nakapag-sabi rin sa akin na kapag naalala mo ang panaginip mo ay may hidden message raw ito.

Ano namang hidden message n'on? Na hindi na talaga siya babalik? As in?

After ko mag-ayos ay kinuha ko na ang bag ko at bumaba na.

12 pa naman ang pasok ko at 10 pa lang naman kaya kakain na muna ako. Pagdating ko sa kusina ay gumagawa si Mama ng sandwich.

"Maupo ka na muna diyan. Patapos na 'tong sandwich." Tumango lang ako sa sinabi ni Mama. Inilapag ko ang bag ko at naupo.

Maya-maya ay dala na ni Mama ang sandwich at isang iced tea. Naupo siya sa tapat ko. Kumuha ako n'on at tahimik na kumain.

"Kamusta kayo?", tanong ni Mama kaya napatingin ako sa kaniya.

"Nino po?", tanong ko.

"Kayo ni Drixx." Napatigil ako sa pag-nguya.

"Okay lang po. Medyo busy lang siya sa acads niya." Sagot ko sabay iwas kay Mama ng tingin.

"Hindi na kayo masyadong nagka-kausap?"

"Nagkaka-usap naman po."

"Ah, mabuti kung ganoon. Akala ko ay hindi na eh."

"Bakit niyo po naitanong?", tanong ko.

"Parang hindi na kasi kayo lumalabas. Samantalang noon ay palagi kayong lumalabas. Hindi na rin siya nagpupunta rito sa bahay."

Nalungkot ako sa sinabi ni Mama. Napansin pala ni Mama ang bagay na iyon. It's a sudden change naman kasi kaya mapapansin talaga iyon ni Mama. Ngayon nga ay school at bahay na lang ako. Hindi pa minsan nalabas ng kuwarto. Minsan naman ay after school ay diretso kila Shane or Dina ako para tumambay.

But for now, ayoko munang ikuwento kay Mama na dalawang buwan na kaming hiwalay ni Drixx. Malulungkot at maiiyak lang ako sa harapan niya at ayoko naman na malungkot din si Mama para sa akin.

Pero paano ko sasabihin kay Mama na naghiwalay na kami ng gusto niyang lalaki para sa akin?

About kay Jhon naman ay it's been 3 weeks since we saw each other in person. At sa loob ng tatlong linggong iyon ay nag-uusap pa rin kami. And at the same time ay iniisip ko kung paano ba ako makakawala kay Jhon nang hindi ako mafi-feel bad.

Why? I feel like I'm cheating on Drixx kasi eh. Kahit na break na kami ni Drixx ay nararamdaman kong niloloko ko si Drixx. Well, hindi lang si Drixx kundi pati si Jhon. Niloloko ko si Jhon. Nagku-kunwari akong mahal siya para lang ibalik ang pagmamahl na ibini-bigay niya sa akin. At saka masamang gumamit ng tao para makapag-move on. Hindi dapat gawing rebound ang isang taong nagmamahal sa'yo dahil you'll end up hurting the person that loves you genuinely. Ayokong saktan si Jhon dahil mula umpisa ay naging masaya ako sa kaniya. Siya ang dahilan kung bakit imbis na umiiyak pa rin ako hanggang ngayon dahil sa paghihiwalay namin ni Drixx ay napalitan iyon ng kasiyahan dahil dumating sa akin si Jhon. Naging masaya ako dahil kay Jhon kahit sa online lang kami nagka-kilalang dalawa.

I Already Found Him | On-GoingWhere stories live. Discover now