( San mo gusto ikasal? )
Napabuntong-hininga ako sa tanong ni Drixx. Katawagan ko siya mula pa kanina. Kung ano-ano lang ang pinag-uusapan namin hanggang sa dumating sa tanong na iyan.
Ewan ko ba kung anong tuma-takbo sa utak niyan ngayon.
"Sa sementeryo."
Sagot ko agad.
Ang bata-bata ko pa, ang bata pa din niya tapos kasal agad pag-uusapan namin?
Are you sure about that?
( Sige sa sementeryo ka )
"Oo sige... Talaga."
( So... Ayaw mo sa'kin? Ayaw mo sa'kin ikasal? )
Napatigil naman ako sa sinabi niyang iyon.
Advance ba siya mag-isip?
Paano kami ikakasal eh manloloko siya?
Nagawa niyang lokohin ako noon, hindi imposibleng gawin niya din sa'kin yon ngayon, bukas at magpakailanman.
Ayy... Na-carried away lang?
"Hindi naman." Sagit ko naman.
( Eh ano? )
"Puwede na."
( Ano?! Bakit puwede na? )
"Wala." At napabuntong-hininga ako.
"Kasi malay mo hindi naman talaga tayo in the end." Dagdag ko at napatingin ako sa bintana at kasabay niyon ay humangin nang malakas.
( Edi gawin natin lahat. Para tayo sa huli )
Maniniwala na sana ako sa sinabi niya. Pero sinabi niya na sa akin yan noon pero siya ang unang sumuko.
He promised me everything. Pero ni isa doon ay walang natupad.
And besides... Alam ko kung sino ang totoong tini-tibok ng puso ko.
At alam kong hindi siya iyon.
"Promise?", nasabi ko na lang.
( Promise... )
"Sophia... Tara na." Rinig kong sabi ni Mama kaya tumayo na ako sa kama.
"Alis na kami..."
( Sige... Ingat kayo ni Mama. )
Napangiti naman ako sa sinabi niya.
Nakiki-mama hindi naman siya anak.
"Sige sige.. Ikaw din."
( I love you babylove )
Napabuntong-hininga ako.
"I love you too."
( Sige... Laro na lang muna ako ML )
"Palakas ka."
( Thank you. )
At pinatay ko na ang tawag.
Dali-dali naman akong bumaba ng hagdan.
May bibilhin kasi si Mama na mga beauty products. At ewan ko ba kung anong kinalaman ko doon para isama ako.
Ako daw taga-bitbit.
Ang sama ng nanay ko 'no?
Sa kalagitnaan ng pagmumuni-muni ko ay nakita ko na naman siya...
Bago ko pa siya nakita ay nakatingin na siya sa akin.
Na-mis ko na lang siya bigla...
Si Matthew...
I badly want to talk to him. Pero alam kong hindi puwede dahil nahihiya ako.
Hihihi...
🌹🌹🌹
Habang naghihintay ako sa Mobile Legend na may mag-enter para makalaro na ako ay bigla kong nakita si Carl, yong kaibigan ni Drixx.
Nang tuminhin ako sa kaniya ay naka-tingin na siya sa'kin kaya napa-iwas ako at no'ng tiningnan ko siya ulit ay nakatingin pa din sa akin.
Nakaka-ilang tuloy. Shocks.
Pinilit ko na lang siyang hindi pansinin at nag-enter sa game, pumili ako ng hero at nag-hintay ng ilang sandali at ayon nag-simula na ang laro.
"Victory!", ayon... Panalo kami Grandmaster na ako. Hahaha.
"Tawagin mo yong pabo." Rinig kong utos ni Maymay sa batang si Kendra na anak ni Ate Hydee na kapatid ni Rommel.
"Pabo... Halika dito." Natawa kaming dalawa kahit tinawag nga no'ng kendra.
Bata nga talaga.
Nandito ako sa labas ng bahay namin. Si kuya Ram at kuya Loel kasi ay naglalaro din ng Mobile Legend. Sama mo na din si kuya Reign na ka-video call niya ang kaniyang girlfriend.
So ako na nag-adjust dahil baka mawalan kami ng signal. So ayon, ako na nag-adjust
Maya-maya ay lumapit si Maymay sa akin.
"Ui... Ano yan?", sabay tabi niya sa akin
"Kakatapos lang sa ML." Sagot ko. "Alam mo kanina, tingin ng tingin si Carl. Anong problema no'n? Eh hindi naman kami close." Dagdag ko pa.
Nakaka-ilang lang kasi. Gosh...
"Oo nga... Habang naglalaro ka nga kanina. Nakatingin lang sa'yo yon."
Napakunot-noo ako.
"May something siguro yon sa'yo."
May something nga ba?
YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Teen FictionSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019