Nandito kami sa Park dahil ginagawa namin ang project sa Empowerment Technology.
Ginawan kasi namin ng music video ang kanta ni Gloc 9 na 'walang natira'.
Ako ang ginawang videographer samantalang si Shane naman ay magra-rap, ka-group ko kasi siya.
Yong iba naman ay taga-gawa ng props.
Pero siyempre, kanina pa yon dahil ngayon ay nakaupo na kami sa isang bench. Nagpapahinha lang. Isang take na lang kay Shane sa isang rap ay matatapos na.
Habang nagbinihis pa si Shane para sa isang take na lang ay nagi-scroll muna ako sa facebook habang naka-earphone.
Nagpahinga kasi kami at kumain na din. 4:00 PM pa kami nandito at 7:30 PM na ng gabi.
Bakit pa kasi may ganitong project pa?
If I could fall into the sky
Do you think time would pass me by
If I could just see you
If I could just hold you
Tonight...Napa-angat ako ng tingin sa harap ko. Hindi ko alam pero may nagsasabing tumingin ako sa harap at nagulat na lang ako ng makita ko siya.
Bigla na lang akong kinabahan.
Gosh... Bakit nandito sila?
Pero bakit naman ako kinakabahan?
Hindi ko alam pero bigla na lang ako ni-nerbyos.
Gosh... Ano bang nangyayari sa akin?
"Ui... Ano nangyari sa'yo? Bat parang namumutla ka?", curious na tanong ni Lanie. Magkatabi kasi kami.
"Eh kasi ano eh..." Sabi ko.
"Masakit ba tiyan mo? Ayan kasi uminom pa ng coke." Sermon ni Lanie.
"No... Si Nathalie nakita ko." Bulong ko.
"At sino naman yon?"
"Pinsan ni Drixx. I saw her."
"Akala ko kung ano na." At huminga siya.
Nag-cap ako at hinanap ko si Nathalie and I saw that she's staring at me.
Gosh... Nahuli tuloy ako.
She smiled at me and so I did.
Pagkatapos niyon ay nilibot ko ang paningin ko sa Park dahil baka kasama niya si Drixx.
Pero wala si Drixx. Kaya nakahinga ako ng maluwag at tinanggal ang cap. Sakto namang dumating si Shane kaya naghanap kami ng puwesto para mag-take ng shot. Habang naglalakad kami ay palinga-linga ako sa paligid dahil baka makita ko sila Drixx. Pero wala, kaya kampante na ako.
Nag-aayos ako ng camera na gagamitin namin samantalang si Shane ay inaayos ang buhok.
Jusko naman nasa CR na kanina, hindi pa fully tinapos ang pag-aayos.
Habang seryoso akong nag-aayos ng camera na gagamitin ay bigla na lang nag-salita si Shane.
"Ui... Si ano oh." Napatingin naman ako sa tini-tingnan ni Shane pero wala naman kaming ka-kilala doon kaya bumalik ang tingin ko sa camera.
"Sophia... Si ano oh." Napatingin naman ako kay Shane.
Sino bang tinu-tukoy nito?
May nakikita ba siyang di ko nakikita?
![](https://img.wattpad.com/cover/199975009-288-k718950.jpg)
YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Teen FictionSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019