Bumaba ako galing sa kuwarto. Magdi-dinner na daw kami ni Mama. Kaming dalawa lang ni Mama ang kakain. Wala pa sila kuya, nasa work pa.
It's been week since the school year ends. Bakasyon na. Pero sila Shane ay hanggang ngayon ay pinag-aawayan pa kung saang swimming pool kami pupunta. Malapit nang mag-May pero nag-aaway pa din sila Althea at Shane.
Umupo ako sa bakanteng upuan sa tapat ni Mama. Tahimik lang kaming kumain. Masarap kasi ang ulam eh. Pork steak. Hihi. Yummy. Nagutom tuloy ako bigla.
Nasa kalagitnaan kami ng pag-kain nang biglang nag-salita si Mama.
"After ng school year next year, sa Bataan ka na mag-aaral."
Wait... Tama ba ang narinig ko? Sa Bataan na ako magpapatuloy ng pag-aaral?
Bakit?
Bakit ganoon?
Bakit ngayon pa?
Bakit ngayon pa? Kung kailan mahirap nang umalis?
Bakit kung kailan gusto ko na dito?
Bakit kung kailan may mahal na ako dito?
"Bakit daw ma?", malungkot na ako pero hindi ko na pinahalata.
"Eh kasi yong Kuya Reign mo, may nahanap na na bahay doon. Isa pa, tahimik doon. May mga puno at fresh air. Hindi ba yon naman ang gusto mo?"
Gusto ko yon, pero ayaw kong umalis dito. Masyado na akong napa-mahal sa lugar na ito. At ayaw ko nang umalis pa dito.
"Doon mo na, ipagpapatuloy ang college." napahinto na lang ako bigla.
College? Doon? Bakit naman?
Paano na lang sila Shane? Yong mga classmates ko? Hindi naman sa mami-miss ko sila, pero parang ganoon na nga.
Kapag nasa Bataan na ako mag-aaral, bagong classmates, bagong teachers, bagong pakikisamahan na naman.
Bago pa tumulo ang mga luha ko ay tinapos ko na agad at diretsong umakyat ng kuwarto at naupo sa veranda.
Nakailang buntong-hininga ako at maya-maya tumulo na talaga ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
Bakit ngayon pa ito dumating? Bakit kung kailan okay na ang lahat? Bakit kung kailan masaya na ako?
Kinuha ko ang cellphone ko at bumalik sa pagkaka-upo ko sa veranda at nag-online.
Tadtad niya ako ng chats. Napangiti ako, same with I gave a sigh.
Sasabihin ko ba sa kaniya agad?
Paano kung nandoon na kami sa Bataan, ipagpalit niya ako sa mas malapit? Paano kung may dumating na mas better? Paano kung lokohin niya ako?
Sophia: Gusto mo sa December na lang?
Tanong ko sa kaniya.
Dati pa kasi namin pinag-uusapan ang bagay na iyon. We planned it in my 18th birthday pero baka wala na ako dito n'on. Kaya hindi ko maibibigay sa kaniya kahit alam kong joke lang na hini-hingi niya 'yon.
Drixx: Opo asawa ko... Promise?
Napangiti na naman ako chat niya. He used to call me asawa ko. Mag-asawa na daw kasi kami, wala lang daw kasal.
Sophia: Gusto mo ba?
Drixx: Siyempre naman, anong date ba asawa ko?
Sophia: 14 kaya?
Drixx: Sige po... 14 na lang
Sophia: Ayaw mo ba?
YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Teen FictionSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019
