Smile, it's the key that fits the lock of everyone's heart...
Just smile guys... Here's the chapter 24. Hope you enjoy 😊
🌹 🌹 🌹
( Nandito na si Papa )
"Sana all may papa." kunwaring lungkot kong sagot.
Wala na kasi ako tatay, 5 months old pa daw ako sa tiyan ni Mama ay wala na daw kaming tatay. Sa tuwing tina-tanong ko si Mama ay sinasabi niyang patay na iyon at wag nang hanapin at pag-usapan. Pero no'ng umuwi kami sa probinsiya noon ay narinig kong magka-usap si Mama at yong isa naming kapitbahay na may sakit daw yong tatay namin at nandoon daw sa babae niya.
Bigla ko tuloy naisip kung ano nga ba ang nangyari no'ng hindi pa ako pina-panganak?
( Papa natin... Tara pakasal na tayo ) at tumawa si Dobi kaya natawa na lang din ako.
"Siraulo ka talaga." nasabi ko na lang.
Nang makapasok ako sa bahay namin ay dumiretso ako sa kuwarto at baka malaman pa ni Mama na si Dobi ang kausap ko.
"Naka-uwi na ako." sabi ko sa kaniya. Sabay higa sa kama.
( Buti naman. Sino kasama mo diyan? )
"Si Mama."
( Aah... Si Mama? Yong Mama natin? ) napakunot-noo na lamang ako.
Mama namin? Eh hindi ko nga siya kapatid. May plano ba siyang magpa-ampon kay Mama? Naku wag na... Magiging 4 na ang kuya ko.
"Ewan ko sayo." at sabay kaming natawa.
Ano bang pinagsasabi nito?
( Ang lamig 'no? Naka-kumot nga ako ngayon eh, kayakap yong unan )
"Sus... Ang init-init nga eh." sabi ko.
Medyo malamig na din... Kasi may bagyo at dagdag mo pa na Dacember na ngayon. Umaatake si hanging amihan.
( Punta ka dito, yakapin kita )
"Ayy ang harot." at sabay kaming natawa.
( Pero ang lamig dito talaga )
"Dito... Medyo lang." sagot ko, medyo malamig kasi pero medyo lang naman.
Balat-kambing pala itong si Dobi.
"Punta ka dito painitin kita."
Napakunot-noo ako.
What does he mean by that?
"Hay naku, ewan ko sa'yo. Gutom lang yan." nasabi ko na lang.
( Mamaya na lang ulit ah. Nandiyan na si Papa )
"Sige... Pakabusog."
( Kumain ka na din ah. Halabyu ) at tumawa siya.
"Ewan ko sa'yo. Kumain ka na nga."
( Mamaya na lang ulit ah ) at pinatay niya. Palabas na sana ako ng kuwarto nang tumunog na naman ang phone ko.
Tuma-tawag si Charles, kaibigan ko, na minsang naging crush ni Althea.
( Choosy ka pa? ) sabay tawa niya. Sinabi ko kasi sa kaniya yong tungkol sa amin ni Dobi.
"Di ako hotdog." sarcastic kong sabi.
( Magpaligaw ka na kasi )
"Wala naman siyang sinasabi. At saka isa pa, ayaw kong mag-conclude." sabay upo sa gilid ng kama.
( Weh? )
"Oo promise."
( Antayin mo lang )
"Bakit?"
( Type mo ba? )
Type ko nga ba siya? Oo? Hindi? Siguro? Ewan?
"Okay lang. Masaya siyang kausap."
Pero para kasing nafa-fall na ako.
( Pero hindi ko alam kung pa-fall siya )
Siguro nga pa-fall lang yong Dobi na iyon.
"Anong gagawin ko? Iiwasan ko ba siya agad-agad?"
( Wag mo iwasan. Sabayan mo lang yong trip niya, tapos wag kang mafa-fall )
Umoo lang ako at pinatay niya na.
Pinakiramdaman ko ang puso ko. At alam ko sa sarili ko na hindi ko siya mahal.
Masaya ako sa kaniya, pero hindi ko siya mahal.
And that's my feeling right now.
And I know falling in love right now is not the right thing to do...
YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Novela JuvenilSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019
